1ST KISS- Crush Curse

1.4K 41 62
                                    


CRUSH CURSE

"Cola, ahm, I have something to tell you sana. Kasi...."

Ipinikit-pikit ko ang aking mga mata at saka bahagyang tinampal ang aking magkabilang pisngi.

Gosh! This is it! This is really it!

"Ahm, yes? M-May kailangan ka?"
Itinukod ni Michael ang kanyang isang braso sa tagiliran ko,yung tipong pang-Koreanovela na kung saan ay halos ikulong na ng bidang lalaki ang leading lady nito habang tila trapped na nakasandal sa pader.

"Cola, I....,I..."

"You? "

Dahil ga-dali na lamang ang layo ng mukha namin sa isa't isa ay langhap na langhap ko ang mabining hininga at banayad na amoy ng kanyang pabango.

Dug-dug! Dug-dug! Dug-dug!
Oh my! Rinig na rinig ko ang pagdu-duet ng tibok ng mga puso namin.

Syet! Ang gaganda talaga ng mga mata niya! Kahit forever na lang ganito, keri na!

Ay! Hindi pala pwedeng forever...
Me ipagtatapat pa pala siya sa akin, hihi!

"Can I kiss you? God! Say yes, Cola please...."

"A-ano, strict ang parents ko eh.S-saka wala pa akong ano..kwan, " nagi-stammer na bulong ko sa kanya. Hindi na kasi ako makahinga sa sobrang kilig.

Hello?! Ikaw kaya tanungin ng crush mo ng ganun!
Syempre, pa-tweetums muna noh?! Konting pakipot muna, kailangan i-savor ang moment.Landi ko ba? Slight lang,ahihihi!

Haaayyyy....ang sarap sarap ng may mahabang hair.....

"You mean you've never had a kiss before? Wow, you just don't know how happy I am right now Cola! "

Ay,lalo na ang lola mo! Kung mas may sasaya pa sa happiest, iyon ang nararamdaman ko...

Unti-unting inilapit ni Michael ang mapula niyang mga labi sa mukha ko.Ibinaba niya mula sa aking mga mata papunta sa mga nanginginig kong lips ang tingin niya.

Dug-dug! Dug-dug! Dug-dug!

Eto na talaga yun!

Ipinikit ko ang aking mga mata upang ipaubaya na ng tuluyan sa kanya ang kapalaran na matagal ko ng pinapangarap.

Kokontra, mababaog!

Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang pagdikit ng mga labi ni Michael sa mga labi ko. It was magical but at the same time,it was so cold.

Wait!

Cold? As in, nagyeyelo sa lamig?!

************************************

"Hoy! Cola, salamat naman nagising ka " .

"Syet! Ano ba Hug?! Bakit mo naman ini-lips to lips sa akin yang diet Coke na yan! Kainis ka, alam mo yun?!"

Iiling-iling lang na nagkatinginan ang dalawang besties ko. Kapagkuwan ay tiningnan nila ako ng parang timang,yung tipong para akong bacterium specimen sa Biology class namin last year.

"What?! ''

"Ang lala mo na talaga te'! Isali ka kaya namin sa Talentadong Pinoy? " si Hug, ang happy and gay na bestie ko.

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon