2ND KISS - ICE MEETS COLA

553 31 38
                                    

                ICE MEETS COLA

   [ ICE ]

      "Yes, yes, Ahm...Uh-huh . Okay Bye..."
  
  Pinatay ko na agad-agad ang call button nang hindi na sumagot si Mommy. Magmula pa ata kaninang umaga sa bahay ay wala na siyang tigil sa pagpapaalala sa akin na mag-ingat.

    Sana pinabaunan niya na lang ako ng Biogesic! Paulit-ulit eh, parang si John Lloyd...

   Nang matanaw ko ang gate ng Saint Jude Academy ay tuluyan ko nang binagalan ang pagpapatakbo ng aking kotse.Dahan-dahan kong ibinaba ang bintana ng kotse hanggang sa mapatapat ako guard house na nasa bungad ng entrance.

   "Tutoy, mag-eenroll? " tanong sa akin ng isang gwardiyang medyo mataba.Tumango lang ako.

   " ID mo toy? " sabi naman ng isang matangkad na gwardiya.

  Inilabas ko ang wallet ko at saka binulatlat iyon. Inisa-isa ko ang lahat ng cards at receipts hanggang sa makita ko ang hinihingi nila sa akin.

   "International Cambridge Academy, Isaac Newton de Vera...,teka, hindi ka dito nag-aaral Toy?

    Bored na tinanggal ko ang aking shades at saka walang ganang  sumagot sa matabang gwardiya.

  "Nah! I'm transferring here.."

   Ini-expect ko na papapasukin na nila ang kotse  sa gate ng dumukwang paloob sa bintana ang matangkad na lalaki.

  "What?! "

" Good moral lang Utoy, saka certificate of transfer galing sa dati mong school".

   Damn! Ni hindi pa nga ako nagiging estudyante dito, ganito na? Kaya ba naman ayaw ko lumipat, andameng cheche bureche...

   Tuluyan na akong lumabas ng kotse at hinarap ang mga gwardiya.

  "Look! I am Valentino de Vera's son so patuluyin niyo na ako. "

  Tiningnan lang ako ng dalawa na halatang di-naniniwala kaya  mas uminit ang ulo ko sa kanila.Dineretso ko na sila kahit labag sa aking loob na gamitin ang pangalan ng aking ama ,wala pa rin pala akong napala.

   "Mga Kuya, tatawagan ko na ba si Director de Vera o papapasukin niyo na ang kotse ko?"

   Kitang-kita ko kung paanong nagkaroon ng slight panic sa mukha ng dalawa.Maya-maya'y siniko ng payat ang matabang gwardiya. Bantulot na tumango ang mataba saka pumasok sa guard house upang gumamit ng telepono. Habang hinihintay ko ang next demand na ipapagawa nila sa akin ay chineck ko ang aking wrist watch. Alas onse kinse na pala ng tanghali.

  Pambihira talaga!

  Maya-maya'y muling lumapit sa akin ang dalawa at tila tropa na tinapik ako ng matangkad sa aking balikat.

  "Pasensya na po Sir de Vera, akala kasi namin ka-apelyido niyo lang si Director. Sige ho, tuloy nyo na kotse niyo..."

  God....Pinahaba-haba pa ang usapan,magpapapasok din pala.Ganito pala kahigpit dito, nakakabwisit!

  Kahit tinangka nung matabang gwardiya na ipagbukas ako ng kotse  ay sinenyasan ko siyang di bale na.Binuksan nung isa pang gwardiya ang gate at tuluyan ko nang ipinasok ang aking kotse.As expected, pinagtinginan ng ilang naglalakad ang sasakyan kong itim na nangingintab sa sikat ng araw.

  "Hoy Pare, iyon yung sinasabi ko sa'yong dream car ko! "

  "Wow! Putsa, kahit siguro mag-ipon ako ng thirty years kapag nagtatrabaho na ako eh hindi pa rin ako makakabili niyan."

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon