3RD KISS- FIRST DAY HIGH

471 26 32
                                    


           FIRST DAY HIGH

  "O mga Bru,anyare sa summer vacation niyo?!"

   "Wag mo nga kaming sigawan Cola! First day ng school year eh binubuliglig mo kami " naiinis na sabi sa akin ni Genius Girl Maty.

Nagkita-kita kami sa quadrangle stage ng school upang sabay-sabay naming hanapin ang aming magiging room buong taon.

   "Excited much, Cola? Baka gusto mong malaman kung saang section ka na this year?" tila nagbabantang tanong naman sa akin ni bestie Hug.

  "Nakita mo na yung master list? Well,expected namang magkakaklase pa rin tayo sa star section ....matalino kaya ako kahit di halata,hahaha!" Iniikot ko ang aking tingin sa nagkakagulong mga estudyante na hindi malaman ang sections. Ang trip kasi ng pamunuan ng school na to eh pa-surprise effect na malalaman lang ang section kapag pasukan na.
Dahil hindi naman kami kasingdami ng mga taga-public high schools ay hindi naman gaanong mahirap maghanap ng room; yung surprise attack lang talaga sa mga estudyante ang nakakakaba.

  Private ang St. Jude Academy at kahit di ito singmahal nung iba,priority ang utak dito.Subukan mong magpabagsak, bukod sa guidance counseling eh maita-tag ka pa as a member of the "outcasts". Unfair iyon sa ibang hindi naman "natural academics" pero pwede namang tumaas taas ang lawlaw na grade pag nanganib.

  Hep! Hep! Hindi po ang floorwax, walis, yemang maliit o brigada eskwela ang sagot ng mga "avengers" para itaas ng kaunti ang grade nila. Hindi rin iyon ang pagbuntot-buntot o paglilinta sa mga pa-chickz na teachers pag clearance week na.

   Ang silver lining ng mga takot sa guidance ay remedial exam sa kung saan mang subject sila weak.

Okay, mabalik tayo sa surprise attack...shall we? Yun nga, kailangan ka talagang mag-aral lalo na pag star section.Bagong section means new sets of frenemies or in short, isang malaking adjustment. Ganyan kalupit ang patakaran dito, sounds redundant na pero bawal talaga ang pabaya ...period!


 
    Private school pa ang gusto eh!

  So far so good naman dahil mula first year or rather way back from my Grade 3 days ay consistent star section ako.
  The best thing? Ano pa ba ,syempre lagi kong natatanaw si Bebe Michael ko mula noon hanggang ngayon.

  "You can never tell my friend," nakakainis na pukaw sa akin ng baklita.Naalala ko tuloy yung "exorcism" day last ,last month kung saan ay may ikinasal na tikbalang kahit tirik na tirik ang araw noon.

  Nakaramdam tuloy ako ng kilabot. Now I know kung ano ang nararamdaman ng mga di -star section pag first day high.

  Syet! Mukhang minana ni Hug ang powers ni Tata Lino niya ah!

  "Oh no! You won't believe this Cola! "

   Lord, patawad! Wag naman po sana...

   Kinakabahang lumapit ako sa bulletin at sinilip yung tinuturo ni Maty sa akin.

    Wag niyo naman po sanang ilayo ang bisyo ko.....

  Yung pagdukwang ko ng ganun eh biglang humarap yung isang   lalaking nasa unahan ko at kakatingin lang din sa bulletin.

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon