24TH KISS- MEET THE GIRLFRIEND

144 12 9
                                    

[ ICE ]

"Okay class! Araling mabuti ang mula sa kabihasnang Mesopotamia hanggang sa pagkaka-tatag ng unang dinastiya ng Tsina.Graded recitation sa Wednesday next meeting and we'll proceed to our long test sa Friday".

Nag-angalan bigla ang buong klase namin sa in-announce ni Miss Mojica.Lahat,busangot ang mga mukha.

"Ma'am naman...Ang haba po ng coverage.Bakit po kasama pa yung pang-second grading?" anang Fiona Sikatuna,kaklase kong mataba na medyo may kaliitan na naka-upo sa unahan.Tila iyong sinabi niya ang naging mitsa ng pag-aalsa ng buong Jade.Kanya-kanyang rants at ipinaglalaban.

"Kaya nga Ma'am Rain.The coverage is just too much.Kahit hanggang dun na lang po sa Egypt chapter" ang tila inaping banat naman ni Wally Garrote.Siya iyong katabi ni Joey sa maghapon kapag sinisipa ko siya paalis sa pwesto niya.Barkada at kalaro ng mokong sa Dota kaya naman di na rin siguro nagre-reklamo sa akin.

"Hoy Garrote at Sikatuna,sa anong dahilan at kailangang iksian ang aralin?Para more time in First Blood at more time in Wattpad?"

Napahagikgik ang ilan sa mga kaklase ko sa counter attack ng adviser namin.Kahit kelan talaga,andaming alam at sobrang prangka niya.Disadvantage of having a very young teacher.Alam ang galaw ng mga katulad naming binatilyo at dalagita.Napailing na lang ako.Hinihintay ko kasing umalis na siya para maka-lipat na ako ng pwesto.Ewan ko pero kating-kati na ang puwit ko na maka-upo katabi ng babaeng yagit na ngayon lang nagparamdam after 38 years.May mga itatanong lang ako sa kanya-wala ng iba.

"Ma'am,what about me?I'm just new here and I think it's impossible for me to catch up".

Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita.It was none other than Hershey,the most annoying girl I've ever met.Kapansin-pansin siya noon pa man sa dating school namin.With a 5'5" stature,golden brown hair na noong huling kita ko ay blonde at prominent foreign look,para siyang model ng isang teen mag.Hawig daw siya nung babaeng blonde sa High School Musical,na hindi ko pa naman napapanood,gaya ng lagi niyang kini-claim sa buong Cambridge.She was a member of the famous clique na tinitingala ng ibang mga babaeng students and pinapantasya ng mga boys,kabilang na ang ilang barkada ko.I was so horrified ng makita ko siya kanina lalo na ng ipakilala siya ni Ma'am as a transferee.She's still a certified head turner,as expected of her.Well,she occasionally does modelling and print ads kaya naman di na rin bago sa akin ang reaksyon ng lahat sa presensiya niya.Mahilig pa mag-Ingles kaya nakadagdag iyon sa superiority complex niya.She is so annoying with a capital letter "A''.

And yeah,she used to be my girlfriend back then.

"No need to worry Miss Davis.You and Miss Valenciano will have to take a different type of exam" ang baling ni Miss Mojica kay Hershey.

"What type of exam Ma'am?"

"Madali lang.A take home exam."

Tumaas ang kilay ni Hershey sa sagot ng adviser namin.I smelled hostility right there and then.

"Ma'am I am asking seriously here.Do you recognize me?"May pagbabanta sa tinig niya-that familiar bratinella tone that I used to know.

Bahagyang ibinaba ni Miss Mojica ang kanyang reading glasses at saka tumingin ng diretso sa kanya.

"Miss Davis,I answered your question seriously.Iyon na 'yun.Ke anak ka pa ni Obama o ni P-noy,I am still your teacher.Ikaw,sila,kayong lahat,estudyante ko.If you won't follow to my rules,feel free to find another school with teachers who can tolerate that brat attitude.Ibahin niyo ako sa kanila ".

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon