12TH KISS - HABA NG HAIR DAY

268 17 8
                                    


      
         HABA NG HAIR DAY

  [ COLA ]

   "Wala! Wala!Wala! Iyan ang sagot ko sa inyo!"

    As usual,new Monday,new Week at new tambay na naman ang drama ng grupo naming mga gwapo't gwapa sa canteen.Ilang araw na nga ba uli kaming di nagtitipon?

  Simula Thursday,araw kung kailan nagkaroon ng bagong Diary si Rapunzel, mga lima na ata.Ngayon nga ay nagsasalo kami sa aming royal hapag, at kinukumusta ako ni Maty na parang wala lang.

  Nagtatampo ba ako? Oo.

  "Ano ba yun, ang hard mo te' ah! Tampo much?"

  "Oo! Nalipat lang ako ng section,ganyan na kayo sa akin.Outcast na outcast na ang pakiramdam ko sa inyo ah!"

Sumubo muna ng pagkalaki-laking tipak ng pork chop si bestie Hug bago itinutok sa akin ang walang malay na tinidor.

"Busy lang! Alam mo naman na sa  star section natin,konting kibot,pinagbubuhusan na ng oras.Ikaw,mukhang hiyang ka sa Jade ah! "

  Sinamaan ko ng tingin ang baklitang mukhang lalaking-lalaki at gumanti ng subo sa aking inorder na lechon kawali.

   "Kglkyxxbbbbhgzcffhhbxd!"

" Ano na naman yun? Salitang elyen?Ubusin mo muna yang nginunguya mo.."

     "Ang sabi ko,ang yabang-yabang mo! Para kang di kaibigan,down na nga ako,binabaon  mo pa!"

   "Right....Kaibigan", narinig kong bulong ni Hug.Ang weird ng tono niya,parang walang energy.

   "Eherm!" Si Maty,busy sa pagne-netbook habang kumakain.Multi-tasking ba?Walang papalag sa kanya,running for Valedictorian eh.Asa pa siya na mananalo sa Ubebe ko!

   "Cola,ahm, paano kung sabihin ko sayo na may gusto akong ligawan,payag ka?"

   Naibuga ko bigla yung taba ng baboy sa lamesa ng marinig ko ang shocking question ni Hug.

  Ano daw?! Ang baklitang mukhang lalaki, me liligawan?!

   Napangiwi si Hug ng makita ang nag-fly away na fats sa table.Si Maty naman,expressionless.Tipong akala mo,walang narinig na anong kakaiba.

   "Hahaha! Dami kong tawa sayo Bakla, mga treinta dos! Jusko!"

   Napakamot na lamang ang pobre at saka tila me nakikitang butiki sa kisame na tumingala.

     "Pa-Papayag ka nga?!"

  Aba! Ano bang nakain ng baklita at parang out of character ang pinagsasabi niya?Yung totoo, ako ba talaga ang na-outcast o siya?Iba arrive niya ngayon eh..

   Pinadaan ko muna ang ilan pang segundo bago sinagot si Hug, na kasalukuyan atang nagbibilang ng butiki.

    "Well,kung ano man yang kalokohan na iniinsist mo,eto sagot ko. Kung saan ka masaya,suportado kita.Read my lips,my Dear Hug."

  "Eherm! " Si Maty uli,ang Genius Multi-tasker.

    "Ano ka naman Mats, me ebola?! "

"Wala noh! Me nalunok lang ata akong buhok.Mahabang-mahabang buhok..."

    Awkward silence.Me dumaang anghel at natigil ang akmang pagsubo ko ng hawakan ni Hug ng walang kaabug-abog ang kamay ko.

   "Yung totoo Madlangsakay, natotomboy ka sa akin?"

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon