4TH KISS- REUNION

335 25 25
                                    


                    REUNION

[ COLA ]

  "De Vera! "

Walang sumagot ni isa man sa buong klase namin.Miyerkules at ikatlong araw ng school year pero hanggang ngayon, mabigat pa rin ang loob ko.

  I miss my besties at yung iba ko pang mga long time classmates kaya ang pakiramdam ko, isa akong goldfish na biglang hinango mula sa aquarium. Ilang galon na rin ata ng panis na laway ang naiipon ko dahil wala akong kinakausap sa mga bagong kaklase ko.Hindi ako sanay na hindi dumaldal pero sobrang awkward talaga ng feeling—yung tipong back to Grade 1 ka at wala kang kakilala.

  "Hindi pa rin ba pumapasok si Mr. De Vera, class?" tanong muli ni Ms. Mojica, ang adviser ng section III-Jade.

In fairness, chicks si Ma'am. Paano ko ba siya idi-describe?

Maputi, balingkinitan ang katawan,5'3" ata ang height at parang palagi siyang masaya sa buhay niya kahit hindi. Ang aliwalas kasi ng mukha niya, papasang commercial model ng shampoo o sabon. Imagine the smiling face of Joyce Jimenez na may-arrive  at kutis ni Iza Calzado.Kung hindi niyo kilala yung una kong nabanggit, i-google niyo na lang.

"Ma'am Rain !" tawag ng isa kong kaklase na ang apelyido ata e Villar. She's two seats apart from me sa kanan.

"Yes, Miss Charice? "

"Ask ko lang po Ma'am kung permanent seating arrangement na to'. Dyahe po kasi eh.."

Lumingon ako sa kanan at naunawaan ko agad yung pinaglalaban niya. Left and right side niya, bakante.Although mas malala ang kalagayan ko na 3 seats vacant sa kaliwa at 2 seats vacant sa kanan, at least siya nakikita kong nakikipag-usap sa ibang mga kaklase namin.

Siya nga pala, ang section Jade ay hindi pala pangatlo sa ranking pagdating sa academics ng buong third year. Nung first day pa lang, the very day na gumuho ang mundo ko ay in-orient na kami ni Ms. Mojica na nagkaroon ng shuffle sa rooms at classes.Yung Diamond, matatag pa rin as Section 1 samantalang ang Emerald na dating third ay Section 2.

Opal is now Section 3 while Gold is Section 4. Ang section namin?

   Nasa row four at katabi ng mabahong basurahan. In short, III-Jade is this year's ultimate "outcast" class being the Section 5 of  St. Jude's juniors.

Hindi niyo rin naman ako masisisi kung bakit ang laki-laki ng issue ko sa pagkakalipat ko ng section.Lahat ng nakasanayan ko,wala ng lahat.Friends,yung status and pride,saka si Bebe Michael ko,hindi ko na makakasama buong taon.

  "No.This coming Monday ay lahat ng matatangkad, sa likod.Ang mga midgets at mga boy labo, dito sa piling ko."

  Biglang nag-angalan ang ilang magkakatabi na nakapag-bonding na ng three days. Yung iba, including that Charice girl,pumapalakpak sa tuwa. Ako,no reaction.

  "Ano ba yan Maam?! Ang hard naman ng midgets.."

  "Oo nga! Ang sakit sa bangs na tawaging boy labo ah!  Babae kaya ako!Me galit ka sa amin Maam?"

  "Asus, okay na yun! At least makakapiling namin si Ms. Mojica up close and personal this whole year, tama ba Pre?"

"Sa barangay hall na mga me reklamo! "

  "Tomo!"

  Yun lang, nagtawanan na ang buong klase. Halata namang gustong-gusto na talaga nila si Ms. Mojica, lalo na ng mga boys.Ako lang ang nganga at walang pakialam.

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon