11TH KISS- ANG MAHIWAGANG ONE-FOURTH

250 20 7
                                    


                                                ANG MAHIWAGANG ONE-FOURTH

                COLA ]

     "Hi Cola! How's your day?"

Inilapag ko ang aking pink na bag na may print ni Hello Kitty sa aking armchair.Biyernes at alas sais kwarenta'y singko ng umaga at napansin kong mukhang busy ang ilan na nakikipagtitigan sa text books habang ang ilan ay nagtatanungan na akala mo ay nasa Who Wants To Be A Billionaire.

     "I'm fine Kuya,thank you."
Sinuklian ko ng ngiti si Joey na kabungguang-braso ko tuwing Araling Panlipunan time. Hindi ko alam kung mahiyain ba  siya o ano pero nakita ko kung paano siya namula ng  akin siyang sagutin at ngitian.

    Wait,sagutin yung greetings niya ah,hindi yung pagpapalipad-hangin...

   Sinisimulan mo na naman ang umaga sa kayabangan mo, Cola..

  Paki mo,Dear Author! Sumisingit ka na naman...

   Haba nang hair?

Oo,so shut up ka lang diyan sa pagsusulat,Kuya Author!

No comment.Nawalan ako ng gana.

"Ahm,Cola,ako nga pala si Joey. Joey Boy for short...."

  "I know Joey.First day pa lang,noted ka na.Di ba ikaw yung nagtaas ng kamay kay Miss Mojica na gusto mo akong makilala at makatabi?"

  Hopeless na talaga sa kayabangan ang lola...Gaanda eh!

  Sssshhhhh...wag maingay Kuya Author. Me naglalaba...

  Muli,nag-blush na naman ang lolo at saka napakamot ng kanyang ulo.May hitsura ang mokong,pasok sa 7 point something sa aking gwapo-meter.

    Baka itanong nyo kung gaano ako ka-selan sa pagri-rate ng lalaki,liliwanagin ko lang.

Si Hug,nasa 9 point zero something category. Ang aking uBebe Michael? Tinatanong pa ba yun? Siyempre,biased na kung biased pero a perfect ten point something lang ang kayang ibigay ng metro ko sa kanya.

  Naks! Daming alam pagdating sa lalaki ah! Pinag-aaral pa ba yung mga ganyan?

  Sasagot na sana ako sa aking imaginary author ng may biglang nagsinghapan sa paligid.Sumimangot ako dahil parang alam ko na kung sino yung kung maka-arrive ay wagas.

  "Syet talaga! He looks perfect talaga..Buti na lang talaga hindi siya bakla.Crush ko pa rin siya talaga".

  "Talaga lang te ah?! Redundant ka na,bruha ka!"

  "Yaay! Tama na muna review. Tititigan ko muna si Ice De Vera para may inspirasyon..."

  "Naman! Di na ako magtataka kung ma-mental block ako mamaya.Nakaka-distract kasi kagwapuhan niya eh!"

"Wag magtaka pag puro Isaac Newton De Vera ang naisulat ko sa quiz,naku naman!"

Tumaas ang magkabilang kilay ko ng pumasok sa pinto ang lalaking dahilan ng pagiging mental patients ng mga girl classmates ko.Hayun,para lang siyang model ng GQ na naglalakad papunta sa pwesto niya.Ang sama-sama ng tingin sa akin eh, para akong kriminal na nakagawa ng henious crime sa kanya.

  Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa akin na nakaka-strike two na raw ako sa kanya.As if naman matatakot ako noh?! Yung pagsipa ko sa kanya sa likod ng tuhod,aminado akong napasobra.Pero yung pagkapahiya niya kahapon sa canteen?

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon