20TH KISS- ANG MGA BIRTUD NI MRS.TESORO

225 15 12
                                    

[ICE]

    "Actually Bro hindi ko pa alam hanggang ngayon kung saan eksaktong nakatira si Cola eh.Alam mo na,diyahe pa rin ako magtanong sa kanya ng personal".

 

 Napaismid na lang ako sa isinagot sa akin ni Joey.Magmula nang second subject namin ay hindi ko na siya pinaalis pa sa pwesto niya habang ako naman ang umukopa ng upuan na para sana sa kaklase naming nawawala.Kahit noong una ay bantulot,na-puwersa ko pa rin ang katabi ni Valenciano tuwing History period na mag-kwento at i-elaborate ang totoong nasa likod ng pasabog na balita kanina ng adviser namin involving Valenciano na agad din niyang iniliko sa aming lesson bago pa kami makahuma at magtanong pa.Nakaka-asar ng sobra pero hindi na rin ako nag-react dahil nababaghan pa rin ako hanggang ngayon sa ekspresyon ni Ms.Mojica kanina.Ang weird kasi,para siyang namatayan or something.Sobra bang affected ang adviser namin sa di na pagpasok ni Valenciano sa klase?Ridiculous,isn't it?


 Inilibot kong muli ang aking tingin sa mga classmates ko.Last subject namin  at kasalukuyang may isinusulat sa white board ang aming matandang guro sa Values Education kaya naman parang mga nakakawala sa cage ang lahat.Favorite subject namin ito tuwing MWF dahil para lang kaming mga nasa bahay kung umasta.No pressure dahil si Mrs.Tesoro ay kilala daw na best at most suitable teacher para sa kanyang subject.She teaches Good Moral and Right Conduct  at parang pinangatawanan niya na iyon sa isip,salita at sa gawa.Mahihiya si Maria Clara at Miss Tapia sa classic porma niyang nakasalamin at pulos ruffles ang damit mula sa leeg,mga braso at palda niyang sayad sa sahig.Mahinahon siyang magsalita at sobra sa pagiging tolerable sa kakulitan namin sa klase.In fact,parang mas gusto niya pa atang magsulat sa board ng kung anu-anong "birtud stuff" kaysa mag-daldal o manaway ng mga estudyanteng abusado.Not that I'm complaining pero naaawa lang ako ng kaunti sa kanya dahil madalas siyang mabastos lalo na pag ganyang nakatalikod siya.Pasaway din ako pero not to the point na katulad ng inaasal ng mga classmates ko.Ayun sila,kanya-kanyang usap,pagpipindot ng mga gadgets at ang iba namang girls ay subsob sa pagbabasa habang effort sa pagsasayang ng marker si Mrs. Tesoro.

 Okay,let me rephrase that.Subsob sila sa pagbabasa ng maliliit na libro na nasa loob ng naka-buklat na textbooks.Kung titingnan mula sa unahan,mai-impress ang sinuman at aakalaing naliligaw siya sa star section dahil sa pagiging engrossed ng mga babaeng kaklase ko sa pagbabasa ng texbook,depende ang title nun sa kung ano ang subject for the period.Madalas ko kasing mapansin iyong jologs na habit nilang iyon eh lalo na't maghapon akong nasa bandang likuran.Ang book na nasa loob ng texbook? Hindi ko alam tawag dun pero me mga cover na lovers at mga lalakeng masasakit sa mata.

   
  Si Valenciano kaya,nagbabasa rin ng mga jologs na mini-books?

   Nah! Wala akong pake...

 


 "Eh dude,how about our other classmates?Baka alam nila kung saan naglu-lungga si Valenciano" tanong ko kay Joey habang inginunguso ang grupo ng mga kababaihan sa isang sulok katabi ng cleaning material box sa kabilang side na  magkakatabi at nagpapaka-iskolar sa "textbooks".


 "I don't think alam nila Ice.Sa ilang linggo na nagka-klase tayo ay bihira ko lang makitang maki-halubilo si Cola sa kahit kanino dito maliban sa akin at sa iyo na katabi niya.Dati kasing consistent star section kaya siguro parang awkward siya" sagot niya sa akin habang sige siya sa pag-tilt ng tablet niya.Naglalaro  siya ng Temple Run habang kinakausap ako kaya medyo nakaramdam ako ng kaunting inis.

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon