10TH KISS - HALF -GUY'S HUG

247 22 15
                                    


HALF-GUY'S HUG

"Huwag ka maingay Mats ha, suporta ka lang diyan".

Nandirito kami ngayon sa bench sa ilalim ng punong acacia.Actually, nasa likod kami ngayon ng faculty room at madaming estudyanteng kanya-kanya ang trip sa iba pang kahilerang bench na karamihan ay mga magsising-irog na pinag-aaral ng mga magulang.

Bitter? No comment.

"Huwag maingay eh hindi naman kita inaano dyan! Sampalin kitang bakla ka eh."

"First kiss sa akin, gusto mo?"

Iyon lang at natahimik ang pagkatali-talino kong kaibigan. Dati- rati kapag breaktime ay tatlo kaming magkakasamang tambay sa canteen pero simula nitong nagdaang linggo ay hindi na namin nakakasama ang isa pang pagkaganda-ganda naming "kaibigan".

Dumaan ang ilan pang minutong wala akong makapang isulat kaya't iyong pagtayo ko mula sa pagkakaluhod sa damuhan ay kakamut-kamot akong tumingin sa nagbabasa kong kaibigan.

"Ano?! Wag mo akong titigan ng ganyan at di kita tutulungan! Huwag ka maingay Mats, suporta ka lang, nya nya nya, lol! "

Natawa ako sa parang batang iniaakto ni Maty.Hindi halatang nerd siya dahil masyado siyang hyper at nagyayabang ang kanyang Julia-Baretto looks na natatakpan lang ng salamin.

Speaking of nerd, no way akong magpapatalo sa damuhong lalaking iyon!

"Mats, di ba mabait ka naman? Tulungan mo naman ako oh! "

Binitiwan ni Maty ang binabasa niyang libro, ang di sikat at walang nagbabasang Catching Fire. Hindi ko nga alam kung bakit napakahilig niya sa Hunger Games franchises, paulit-ulit niya nang binabasa, from cover to cover ang tatlong magkakasunod na libro.

Tanungin niyo kung ano ang favorite movie niya at tiyak masha-shock kayo. Hunger Games, Catching Fire at malamang, madagdag pa ang papalapit na showing ng Mocking Jay. Kung clueless kayo kung anu-ano yung mga binabanggit ko, malamang tulog ka ng isandaang taon.

"Ang arte mo kasi! Magtapat ka na ng maluwat kay Cola, bwisit ka!"

"Pssshhhhh! Ang ingay mo, may makarinig sa'yo, yari ako.." natatarantang pigil ko sa hyper na bibig ng kaibigan ko.

"Eh engot ka kasi Madlangsakay! Ang lapit-lapit mo na ayaw mo pang mangalabit. Hindi na ako magtataka pag malaman mong sa isang linggo nagkatuluyan na pala sina Michael at Cola. Laslas ka na lang, di ako makikiramay..."

"Ouch naman! Ang hard mo talaga Mats, para kang tatandang dalaga sa future.Yung totoo,si Cola ang hinihintay mong first kiss noh?!"

Itinaas-baba ko ang aking kilay at saka tinanggal ang salamin niya sa mata.Ultimate pang-asar ko kasi sa kanya yun eh, teasing about her first kiss and pagtatanggal ko ng eyeglasses niya.

"Sorry, hindi ako tomboy! Akin na nga yang bakla ka! "

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon