9TH KISS - ICED COLA

285 22 18
                                    

ICED COLA

[ ICE ]

Hindi ko na inantay pang mag-react ang dalawang parehong natulala sa arrive ko. Diretsong umupo ako sa tabi ni Valenciano at saka inilapag ang tray na naglalaman ng mga inorder ko.

"O, Valenciano..Dude, usap uli kayo. Never mind me, kakain lang ako...."

Kaswal na kinuha ko ang leg fried chicken at wagas na kinagatan iyon, ala-Jollibee chicken Joy commercial.

"Cola, sino ba tong lalaking to? Kilala mo?"

"Ah-- ano, classmate ko sa Jade, siya si-'' tumingin muna sa akin si Valenciano at saka ngumiwi.

Nahuhulaan kong dahil iyon sa tuluy-tuloy na pagsubo ko ng kanin at paglantak ng walang kamalay-malay na chicken leg.

"...De Vera. Transferee siya dito pero napakaya-"

"Napaka ano?" confused na tanong ng lalaking nakasalamin sa paputol-putol na pagpapakilala sa akin ni Valenciano.

Halata ko yung pagnanais ng babaeng katabi ko na sipain ako palabas, dangan lamang ay sa isip niya lang magagawa iyon.Isa kasi akong malaking tipak ng yelo,hindi basta-basta matitibag ng kung sinumang mataray na babaeng tulad niya.

"Isa akong mayaman Dude! I'm Ice by the way " boluntaryong pagtutuloy ko sa hindi masabi ni Valenciano.Halata masyado na nagulo ko ang mundo niya mula sa pakikipaglandian sa lalaking kaharap namin.

Galing ako sa office ni Daddy kanina dahil sa kinausap niya ako tungkol sa mga bagay-bagay na nararanasan ko sa kanyang school. Parang report lang.

Oo, sa ama ko ang St. Jude Academy and I don't feel any pride na dito ako nag-aaral.Labag kasi sa loob ko na bigla niya akong inilipat dito ng walang kaabug-abog,under his very close scrutinizing eyes.Dahil nga medyo badtrip ako sa aking erpats,tinamad akong lumabas pa ng school kahit pwedeng-pwede kong gawin iyon anytime.Instead, dumiretso na lang ako sa canteen kahit medyo nanibago pa ako sa kalakaran dito.

Nasanay kasi ako sa dating school na pinanggalingan ko kung saan kailangan mo lang umupo sa isang table at may lalapit ng personnel na hihingi at magpi-prepare ng kung anumang oorderin.Idagdag pang hari ang treatment nila sa akin doon kaya kahit outside the canteen ay feeling pampered ako sa aking mga barkada,especially to the girls na nagpa-pacute sa akin.

"Oh! Mukha ka ngang mayaman Pre.Ganda ng jacket mo eh, lakas maka-Twilight sa tanghali".

Napangiti ako ng marinig ko ang komento ng lalaking nakasalamin.I smell some hostility at amoy na amoy ko ang pagkawasak ng simpleng diskarte-either ni Lalake o ni Babae na katabi kong busangot na ang mukha.

"Mahal to Brod, wala ditong ganito sa Pilipinas.I bought it from States last year.."

Ini-adjust ni Boy Labo ang eyeglasses niya saka ibinaling ang tingin sa babaeng katabi ko.

"Ahm, Michael, pasensya ka na dito sa kaklase ko, ano, ganyan talaga yan..masyado."


Haha! Ano ka ngayon babaeng Amasona? Bakla pala ah, sige, tikman mo ang nagyeyelo kong ganti sa'yo..

"You don't have to over emphasize na masyado akong gwapo my Dear, given na yun.Crush mo nga ako di ba?!''

Nang masalo ko ang pagkatalim-talim na tingin sa akin ng katabi ko ay lalong nagdiwang ang aking utak.Kung di lang talaga korni ay magpapakawala ako ng evil laugh,yung classic laugh na ewan ko kung bakit pare-pareho ang tono basta maitawa lang ng bad guy sa pelikula at iba pang palabas.

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon