15TH KISS - IT'S REIGNING RAT AND DOG

166 15 3
                                    

   [ HUG ]

     "Ang gwapingz nga Boss! Haha, mukhang tagilid tayo".


    Pinukol ko nang nakamamatay na tingin si Aso also known as Ashton. Nope, he's not a dead ringer of Dao Ming Xi kaya iyon ang tawag namin sa kanya.Codename niya ang Dog bilang isa sa labindalawang Zodiac Thirteen, ang tropahang kinabibilangan ko.


     "Gusto mong ipain kita sa mga Leon ngayon din, Aso?" tukoy ko sa karibal na grupo ng Zodiac 13, ang Lion Heart Society.

    "Sorry Boss Rat, haha, nagbibiro lang ako...haha" .  Nanginginig ang mga kamay na dumukot nang sigarilyo si Ashton mula sa cardigan Jacket na suot niya.

    "Commandment Number 4 Section 1 ..."

    Biglang napatigil sa akmang pagsisindi nang sigarilyo ang aking kanang-kamay. Nahimigan niya siguro yung seryosong pagkakabanggit ko sa isa sa mga rule na itinatag pa nang mga sempais.

    "Tagalog na lang Boss,haha, thou shall lang alam ko e,mahina ako sa English,haha.." alanganin at napapakamot ulong sagot ni Aso sa akin.Iniabot niya ang sigarilyo sa nakalahad kong palad,kasama ang isang buong kaha mula sa kabilang bulsa niya.I nodded at him.

   "Ang kapatiran nang Labintatlo ay dapat maging malinis mula sa mga walang kwentang bisyo tulad nang droga,sigarilyo at bandalismo. Ang alak ay para lamang sa mga piling okasyon at ang mga kababaihan ay igagalang maliban na lamang kung sila mismo ay ayaw magpagalang. Hindi pinapaya—"

   "Hep! Okay na yan.Mali yung tungkol sa babae pero,sige na, ligtas ka pansamantala."

   "Salamat Boss Rat! Haha, idol ka talaga! Hahaha!"

     I just rolled my eyes at tinapakan ko ang inihulog kong kaha ng sigarilyo para siguradong di na mapakinabangan.Hindi maitatago sa akin nang loko yung panghihinayang sa mga mata niya habang unti-unti kong dinudurog ang walang kwentang bisyo niya.He was as if in great pain sa klase nang pagngiwi niya,which is understandable naman dahil alam kong di lang basta sampung piso ang pinambili doon. However,rules are rules sa Zodiac Thirteen at walang makakabali noon,ang leader lang ang exception.

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon