19TH KISS - MISSING COLA

151 15 5
                                    

                  [ICE]

                     

    ''Mr. De Vera! ''

               Para akong hinampas ng martilyo sa utak ng marinig ko ang pag-alingawngaw ng boses ni "Hot Teacher'' Miss Mojica.Awtomatikong umayos ako nang upo at ibinaling ang tingin sa unahan.

      "May problema ka ba,De Vera? Ilang araw ko nang napapansin iyang attitude mo.Alam ko boring ang subject ko pero ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung dada ako nang dada dito habang ang isa kong estudyante ay naka-tulala sa labas ng bintana at nakapangalumbaba.''

       Asar! Kahit ako Ma'am,hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin eh! 

      Kanya-kanyang bulungan at hagikgikan ang narinig ko sa buong kwarto.Sanay na ako sa mga kaklase kong nag-mana ata lahat sa topak ng aming adviser kaya hindi na lang ako nag-react.Mainit pa rin ang ulo ko,katulad nang mga nagdaang araw pero ayoko maki-sabay sa ''buwanang saltik" ni Binibining Ulan.Mas matindi siya bumirada kesa sa akin.Wala akong katabi na classmate kaya no choice ako kundi ituon sa whiteboard ang paningin ko.

      ''So,pwede mo ba i-share iyang love problems mo ? '' out of nowhere ay tanong ni Miss Mojica na ikina-nganga ko.Wala akong katabi,left and right kaya alam kong para sa akin pa rin ang tanong.

   What the f***! Saan nanggaling iyon at bakit parang sumobra ata ang pangti-trip sa akin ni Ma'am! 

        Muli,nagbulungan na naman ang mga bubuyog at nagkanya-kanyang diskusyon.Buhay ang lahat ng hasang nila,pati mga lalaki.Bigla na namang sumirit pataas ang dugo ko sa ulo.Bigla nga lang sumingit sa utak ko ang mukha ni Daddy kaya nakapagpigil ako.Bumuga muna ako ng hangin at saka kinalma ang sarili ko.

   "Miss,ganito po talaga ako mag-absorb nang lessons kahit anong subject.Looking outside the window was my way of digesting the history of Israelites..."

   Hindi nakaligtas sa akin ang mga humahangang tingin ng mga bubuyog lalo na ng mga girls.Totoo naman kasi iyong sinabi ko.Well, partly,totoo na nakikinig ako pero walang koneksiyon iyon sa bintana o anumang nasa labas niyon.Wala lang.Talented lang siguro ako.

     Hinanapan ko ng reaksyon si Miss Mojica. Wala akong intensiyong ipahiya siya o ano.Gusto ko lang mawala na iyong issue na ewan ko kung saan niya pinulot.Ini-expect ko rin na makaka-kita ako ng kahit kaunting admiration o amusement man lang pero as usual , wala.Poker faced lang.

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon