7th KISS- KISSING THE SEATMATE

312 20 24
                                    

                 THE SEATMATE

[ COLA ]

  Napasimangot na naman ako ng i-dismiss ni Ms. Mojica ang aming klase. Wednesday at unang klase namin mula sa aming adviser na nagtuturo ng World History.

   It's hell time!

   Saktong pagbaling ko sa bintana ay umupo ang lalaking kinaiinisan ko.Tatlong araw niya na akong binubwisit, minus the last week of near-kiss experience at ang pagti-trip niya sa earphones ko nung enrollment.

   "Hi Miss Valenciano! I'm fine,thank you " panimulang bati ng hinayupak sa akin.

  Ang sagot ko sa kanya,as usual ay isang tahimik na silence.

  Pinagbuti ko pa ang pagsilip ko sa bintana na kunwa'y may isang malaking langaw  lang na "nambububuyog" sa paligid.

  Maya-maya'y nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang dumukwang at akmang yayakapin ako.

  "Hoy! A-anong gagawin mo?! " Natatarantang tanong ko sa lalaking balak ata akong harass-in out of nowhere.

  Ngumiti ang tinamaan ng magaling at saka —

   Hinawi ang kurtina? Seriously, what the?!

  "There Ms. Valenciano.At least makakadungaw na rin ako sa kung anumang tinatanaw mo diyan.Ang init  din kasi eh" nakapangalumbabang sabi ni De Vera, nakatingin sa kung sinu-sinong dumadaan sa labas.

Iniiwas ko bigla ang tingin ko sa kanya dahil biglang nakaramdam ako ng hiya. Di ko alam kung dahil iyon sa pagka-OA ko sa akala ko'y gagawin niya sa akin o nahiya  lang ang ilong ko sa kanyang pabango.

  Either way, wala akong paki sa kanya. Hmp!

   Tumingin uli ako sa bintana na parang walang nangyari. Desidido talaga akong deadma-hin siya kahit umabot pa yun ng isang buong school year. Bwisit na bwisit talaga ako sa kanya, masyadong feeling-gwapo at wagas makapagyabang na parang hindi transferee.

Yun nga lang,parang hindi ata ganoon ka-tibay ang  aking resolve dahil aware na aware ako sa pagpapapansin ng katabi ko,specially sa kanyang amoy na parang nagugustuhan ng ilong ko.

  "Ganda talaga ng boses mo Ms. Valenciano. You should talk more often.."

  Bahala ka! Hindi kita papansinin.Dalawa tayong mag-iipon ng panis na laway...

   "Ang tagal naman ng Geometry teacher natin, gustong-gusto ko na mag-solve sa assignment na binigay niya last Monday sa board.Ikaw Ms. Valenciano, me assignment ka?

  As usual—tahimik na silence lang ang isinagot ko.

  Nang hindi ko pinansin ang loko ay may kung anong kinuha siya sa bag niya. Bahagya kong nakita sa peripheral vision ko na isa iyong black notebook na makapal.

  Hala! Deathnote?

"Ayan! Wag ka ng sumimangot.Kung wala ka pang assignment pwede mo ng kopyahin.Don't worry,andiyan na rin yung mga solutions kaya kumpletos rekados " sabi ni De Vera Yabang na biglang inilapag ang notebook sa desk ng armchair ko. Nagrebolusyon naman ang pride ko sa walang patumanggang pang-iinsulto niya sa "katalinuhan" ko.

  Padabog na ibinalik ko sa desk ng may-ari ang deathnote.

"De Vera, salamat na lang pero hindi ako nangongopya. Meron akong assignment."

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng mokong . Nabigla ata na nag-react ako. Sandali lang iyon, napalitan na naman ng smiling face ang makapal na mukha niya.

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon