17TH KISS- HELLO,HELL...

214 13 10
                                    

  [ COLA ]


      "A-Anak,maniwala ka...I was just set up ..."


      Pinilit kong hindi magpakita nang kahit anumang reaksyon sa katatapos na paglalahad ni Daddy sa sarili niyang bersyon ng kwento.Hawak-hawak niya ang mga kamay ko,waring humihingi sa akin nang assurance na papaniwalaan ko siya ng walang anumang doubt.


      Si Mommy? Bumili lang nang ilang toiletries at allowed commodities na magagamit ni Daddy sa indefinite detention niya.


    "Dad,okay naman po sa akin na maghirap tayo eh.Pero,sana naman po naisip niyo si Mommy bago niyo ginawa yun" ang mahinahon ngunit mariing sabi ko sa kanya.Alam kong nakatitig siya sa akin ngunit ako,sinadya kong iiwas sa kanya ang mga mata ko.

     Falsification of Documents and Theft ang kaso nang aking ama.Ayon sa paglalahad ng mga pulis, kinasuhan daw ng kumpanya si Daddy dahil nadiskubre ang ilang kahina-hinalang discrepancies sa financial records na kargo niya bilang Assistant Accounting Manager sa isang Ad Agency.Hindi raw nag-match sa independent record ng ahensiya ang figures ng profits at expenses versus sa mga tseke at liquidated budget na nai-release under his approval.

    Nagkaroon daw ng thorough investigation sa kompanya nila at nalaman na nagkaroon ng pagmamanipula sa mga records upang palabasing walang nawawalang pera ang kompanya noong nagdaang taon.It turned out na ang magaling kong ama,ayon na rin sa sarili niyang bibig ay gumawa nga nang ilang sinadyang "pagtatago" sa katotohanan.Natakot daw siyang mapag-initan nang mga superiors kaya pikit-mata ay naging instrumento  siya nang mga mandarambong na walang habas kung makagastos sa pera ng company.There were threats and bribery involved daw,na maaaring madagdag sa kaso ni Daddy.

     Bottom line is,dahil sa kahinaan ng loob ni Daddy at obsession sa pagkaka-angat ng pwesto sa kompanya na ipinangako ng ilang abusadong superiors ay nagawa niyang magpakababa at makilublob sa putikan.And it broke my heart nang makita ko kanina yung grabeng disappointment at disbelief sa mga mata ni Mommy kahit hindi siya nagsalita ng masama kay Daddy.Alam ko ang pakiramdam niya because that's how I felt habang nagkukwento si Daddy.

   "I did that because of you and your Mom ,Cola."

    "No Dad! We had nothing to do with what you did!" Medyo napalakas ang boses ko pero wala na akong pakialam kung narinig man iyon ng mga pulis o mga presong naka-detain sa kinaroroonan namin.Kung hindi mai-voice out ni Mommy yung mga nararamdaman niya,I might as well do it.Hindi ako kasing-lambot niya at sa mga ganitong bagay,kusa nang lumalabas ang maturity ng utak ko and it says that I can't afford to  just cry and be a baby.Mom needs me.

  "I-I see.I understand how you feel and I'm  so sorry..."


    Wag ka mag-sorry sa akin Dad, kay Mommy!

     Naramdaman kong nakatayo na pala si Mommy sa likod ko kaya pinilit kong ignorahin ang mainit na pakiramdam sa mga mata ko.Kung narinig man niya yung usapan namin ni Daddy,hindi ko alam.All I know was I just wanted to go home,to cry my heart out,to sleep and to tell myself that it's all but a funny joke...a stupid, ridiculous dream.

    "Baby, someone is outside.Ako muna ang bahala sa Daddy mo.."

   Mom smiled  at Dad but I knew better.Kung magtatagal lang ako kasama ang mga magulang ko ngayon,baka biglang bumalik ang dating ako na isang iyaking kindergarten baby girl.

IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon