21st KISS-BOYS OVER RAPUNZEL'S TOWER

201 17 8
                                    

[ HUG ]

   "Sige Madlangsakay,ahm,Soriano..."

  Alam kong pareho kaming natulala ni Maty sa isinagot sa amin ni Michael bago siya nagmamadaling magpaalam.Tuluy-tuloy ang paglabas ng mga classmates namin pero kaming dalawa,parang mga estatwang di matitibag sa pagkaka-steady sa gilid ng pinto.

  

Uwian at ngayon lamang kami nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kay Agoncillo about kay Cola.Dalawang linggo na ang nakakaraan nang huli naming makita ang aming kaibigan,dalawang araw iyon matapos kong puntahan siya sa istasyon ng pulisya.Nagka-kwentuhan pa kaming tatlo tungkol sa sensitibong pinagdadaanan ng pamilya Valenciano at nakita ko kung gaano ang inilaglag ng sigla ni Cola.Ang pinaka-makirot na parte ay nang umiyak siya sa harap namin and swear to God,right there and then ay para akong sinusuntok ng buong barikada ng mga Leon.Masakit dahil nasasaktan si Cola habang ako,walang anumang magawa para sa kanya.Nasa akin na ang lahat,ayon nga kay Maty.Nakaka-angat sa buhay,may hitsura,may utak kahit papaano etcetera,what else could I ask for?
Oo nga naman.Ipinanganak akong swerte pagdating sa pisikal na aspeto, pero  hanggang doon na lang yata iyon.May isang bagay bukod sa atensyon ng mga parents ko ang hindi ko pa makuha-kuha.Isa iyong bagay na hindi nahahawakan at hinding-hindi maaaring maabot ng madalian.

           I want to be someone who sheds Cola's tears.

   Sa kasalukuyan kong estado bilang kaibigan niya,hindi ko maibigay ng buo yung paglalambing ko sa kanya.Bigla akong nahiya at natakot sa plano kong pagdiskarte at alam ko kung ano ang naghuhumiyaw na dahilan niyon.I still am a nobody.A John Hughes Madlangsakay is still not enough for Cola.

Kaya ko ring gampanan ang role ni Michael na pwedeng iyakan sa balikat at sumalo sa bigat ng dinadala ni Cola pero iyon mismo ang nakaka-aasar.Hindi ako si Michael.Isa lamang akong Hug.

Gusto ko ring maging bayani at tagapagligtas bukod sa ginagawang pag-epal ni Boy Genius. Siguradong malaki ang maitutulong ko sa pamilya niya pagdating sa pinansyal but it's easier said than done.Anong alam ko sa mga legalidad at pagkuha ng pera na iniisip kong makakatulong kay Cola?Real talk,di ba mas malaking ka-epalan ang pagmamarunong kahit walang alam?It's just so hopeless and frustrating that I  have all the means but I don't know how to use them.Being  just a junior highschool student really sucks!

"Bakla,puntahan natin ngayon si Cola."

Bigla akong nagising  mula sa mundo ng angst at drama nang marinig ko ang sinabi ni Maty.Tinitigan ko ang mga mata niya sa likod ng kanyang eyeglasses.Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero Mathilda possesses the most expressive eyes that I've ever seen.Like Cola,she's quite a looker.Ang ganda ng mukha niya ay maaaring makapagpataob ng mga sumisikat na dalagitang artista.Maputi,makinis at walang bahid ng kaartehan ang kanyang mukha.Pang-modelo rin ang kanyang alun-along buhok at sa paglakad at paggalaw niya,mababatid ang katiyakan at nag-uumapaw na confidence niya.Unquestionable na ang pagkakaroon niya ng utak at kaming dalawa lamang ni Cola ang makakapag-patibay na swerte ang magiging kaibigan ng isang Anna Mathilda Soriano.Sa labas,mai-intimidate ka sa kanyang aura pero hanggang doon na lamang iyon.Mula kasi ng maging malapit ako sa kanya ay nalaman kong sa likod ng kanyang salamin at mala-library na utak ay astig at simple lang siya sa loob.No more,no less.Hindi lang din siguro niya napapansin na kapag naglalakad siya,mas malaking bahagi ng populasyon ang humahanga  at naiinggit sa kanya kaysa natatakot sa image niyang suplada.


IT STARTED WITH A KISS...RIGHT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon