Akala ko pa naman family dinner na kami yun pala meron si Athena. Part of the family naman talaga siya ako lang ata ang hindi part sa family.
Napalunok pa ako nang makita ko siyang presentable tapus may dala pang cake.
Ako anong dala ko? GANDA ko lang ang dala ko. Kaloka. Paano naman kasi si Graezer biglaan edi sana nagpacater ako HAHAHAHAH.
Uupo na sana ako kaso inagawan ako ng pwesto ni Athena. Bakit ba lagi siyang nakikiagaw char! Mukhang napansin ata ni Graezer na medyo nainis ako. Kaya pinaupo ako ni Graezer sa tapat ni Athena at wait! Tumabi sa akin si Graezer! Ano girl? Ang ganda ko no. Sana ikaw din.
Mukhang nagkasalubong naman ang kilay ni Athena dahil si Pherephania ano ba yan Stefany na lang ang tumabi sa kanya. Ang ganda kasi masyado ng pangalan ng lil sis ni Grae. Ang hirap spell kaloka.
At si Tita naman ay sa dulo pahaba kasi ang kanilang dinning. Pang mayaman nga talaga. Imbes na magkwekwentuhan tuwing dinner mukhang magsisigawan pa ata sila sa haba ng space nila sa isa't isa.
Kakain na sana kami kaso nasanay kasi ako sa bahay na kapag kakain magpepray muna kami. Kasi dinner kumpleto kaming pamilya e.
"She's praying" narinig kong bulong ni Stefany kay kuya niya.
I opened my eyes slowly. And then I saw them eating. So what? AWKWARD potek. Sige awkward pa nga.
Napalunok na lang ako at sinimulan ko nang kumain. Bakit ba hindi sila nag prepray? Hmmmm.
Habang kumakain kami kung ano anong pinakwekwentuhan nila.
Out of place Out of place Out of place akoooooooo?! Ayoko na gusto ko nang umuwi. Dapat si Daddy ang kasama nilang magdinner e kasi more on bussinesses talaga ang alam niya e ako mga lesson plan lang tanungin niyo na lang ako ng mga objectives sa klase malamang marami akong maisasagot.
"Ate what's your favorite cake?" Stefany asked. While she's eating a cake na binili ni Athena.
"Vanilla baby" I answered and then I pinched her cheeks. Medyo nangawit pa ako dahil kahit katapat na ganon pa medyo malayo ang space. Yes finally ako na ang nagpipinch ng cheeks.
"I loved chocolates Ate. You know what I think kuya loves you"
Mukha pa akong napatunganga sa sinabi niya at narinig kong parang may tinulak si Graezer sa ibabaw ng mesa. Malamang paa 'yon ni Stefany.
Nang matapos kami kumain. Nagpaalam na ako para umuwi. Kasi anong oras na tsaka hindi ako nagpaalam kila Daddy. Malamang nagpapanic na naman 'yong mga 'yon hindi pa man din sanay sila Daddy na umaalis ako with some guy.
Mukhang nakikipag chismisan na naman si Mommy sa iba at tinatanong ako kung asan na ako. Hindi ko alam kung anong palusot na naman ni Christy.
Nakakahiya mang isipin na nakikain lang ako pero kailangan ko rin nang umuwi dahil mas okay na yung nakakahiya kesa magrounded ako. Parang tuloy mababansagan akong "Eat and Run".
"Sabay ka na Athena. Hatid na rin kita." pagyayaya ni Graezer kay Athena na busy nakikipagkulitan kay Stefany.
YOU ARE READING
After Aurora (July 2020, Completed)
FanfictionGraezer Alpharo, the varsity player and son of the owner of Alpharo University decided to leave her loved one just to save his family business. Is he going to regret for not choosing the girl he left behind?