"Are you sure about this?"
Kalma kong inilapag ang resignation letter ko sa lamesa ng Dean namin. Pinasadahan lang niya 'yon at hindi na binasa nang maigi.
Sa bawat buntong hininga niya akala niya ang tagal ko dito sa school e isang semester lang naman ang pinatapos ko.
"Yes Sir!" matapang kong sagot "Tsaka hindi lang naman ako ang maganda dito e meron naman si Frezelle pati yung secretary mo"
May gana pa talaga akong magbiro. Parang naghihinayang pa siya sa desisyon ko pero may magagawa pa kaya siya.
"I'll send this to the Campus Administrator" tatawagin na sana niya ang Secretary niya pero agad kong kinuha ang isang kopya.
"Sir ako na lang. Para formal" I gave him a smile, mukhang nagugulahan siya sa inaasta ko ngayon.
"Okay then my decision will be base on our Campus Administrator decision"
Tumango na lang ako at lumabas na lang ng office. Mukhang ang hirap naman mapadpad sa school na 'to. Nakakawala ng hiya ang pagreresign.
Habang naglalakad ako patungo sa Admin Building kung saan ang office ng Campus Ad. namin ay bigla kong naalala ang huling usapan namin ni Graezer. Hanggang ngayon ay ginagambala pa rin ako ng sakit pero hinahayaan ko lang iyon.
I know he was trying his very best to get over me dahil papalapit na rin ang board niya.
I knocked thrice before entering the office. Nang buksan ko ang pinto nadatnan ko ang Secretary doon.
"Good Noon! Si Campus Ad.?" malumanay kong tanong habang nakatayo pa rin malapit sa pintuan.
"Lumabas e kasama yung owner ng school may tinignan na building. You can wait here" at inoffer niya sa akin ang upuan mula sa harapan niya.
I focused at her at mukhang we're at the same age lang.
"Saan ka grumaduate?" I asked out of the blue. Parang kasi namumukhaan ko siya at parang baguhan lang siya dito.
"Central University. Same year tayo grumaduate. Kilala kita" she smiled at me. Sabi ko na nga ba e.
"Bago ka?" tanong ko "Ngayon lang kasi kita nakita rito"
"Oo" she waved her bangs mukhang natatakpan ang mga mata niya "Kakahired lang sa akin noong isang araw"
I just gave her a smooth nod at napatingin sa relo ko. Mukhang inabot na ako hanggang bago mag-lunch dito.
"Well I really know you. Lalo na noong-" she stopped when we heard the knob of door.
Agad akong napatayo nang makitang papasok ang Campus Ad. at ang Daddy ni Graezer. Hinayaan lang nilang bukas pintuan kaya nagpasya akong isasarado sana nang biglang-
"Aray!" sigaw ng isang lalaki. Ay potek may naipit ba ako.
Dahan dahan kong binuksan ulit ang pinto at tumambad sa paningin ko ang lalaking nakashort hanggang tuhod at long sleeve shirt na nakaopen ang dalawang butones. Agad akong napayuko.
I stepped back when I realized I was blocking his way. I swallowed hard. Napansin kong pumasok siya sa CR. Dahil narinig ko ang pagbukas at pagsara ng isa pang pintuan.
"Oh Aphrodite you're here" pansin ng Daddy ni Graezer sa akin.
Agad akong napapikit at agad na humarap sa kanila at nag-ukit ako ng ngiti.
YOU ARE READING
After Aurora (July 2020, Completed)
FanfictionGraezer Alpharo, the varsity player and son of the owner of Alpharo University decided to leave her loved one just to save his family business. Is he going to regret for not choosing the girl he left behind?