Ito na ang dulo na hinahangad ng karamihan. Maraming salamat sa walang sawang suporta ninyo. :))
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~"Hoy dito tayo volleyball area diyan" hinihila na ako ni Kyle.
"Sandali lang" pinagmamasdan ko ang volleyball area.
Hindi naman sa inaalam ang bawat sulok. Kung hindi kinakabisado ang isa sa player ng volleyball.
"Crush na naman!" napakamot na sa ulo si Kyle.
"Nakikita mo 'yon. Magiging girlfriend ko yan pagdating ng panahon" I pointed out the girl wearing jersey #15.
Nakasuot siya ng blue and white jersey. Nakabraid ang buhok. May kaunting bangs at mabilog ang kanyang mga pisngi.
"Qu- ayoko na basahin ang galaw niya halika na" wala akong nagawa noong araw na iyon at nag-paagos sa hila ni Kyle.
Magmula elementary ako lagi na lang basketball inaatupag ko. Kung saan-saan din ako napapadpad na school. Pero never ko 'yon pinagsisihan sa buong buhay ko.
Kyle was my first buddy since elementary. Dahil parehas kami ng school at parehas kaming player.
Lumipas ang ilang taon at dumating na ang pinakahihintay na event ng high school. Sobrang hassle ayoko ng ganito 'yong mga sayawan napakakorny. Never ako umattend ng JS Prom. Kahit pa ilang pilit ni Athena.
"Hindi ka talaga aattend?" Curious na tanong ni Nathan habang nagtitingin ng suit niya. "Tangina! kill joy amp"
"Ayoko! Wala DREAM GIRL KO!" iniwas ko ang tingin sa mga suits at ibinaling kay Kyle."Baka nakita mo na siya!"
Tumango ako sa kanya at mukhang naghahamon na ako ng away.
"Wag mo ko titigan kahit ako hindi ko matandaan yung crush mo na volleyball player ata 'yon ang tagal tagal na hindi ka pa nakakamove-on" he tapped my shoulder "Move on Pare marami pa diyan! Maganda na masarap pa"
"Manyak amputa!" agad kong ibinaling ang tingin kay Franz.
"Oh bakit ako?! High School lang tayo naging LOT no" agad umiwas ng tingin si Franz. "Ang daming babae diyan tapus doon ka sa Unidentified Human dapat doon ka sa seksi na satisfied ka pa"
Mga manyakis ng taon. Mabuti na lang hindi ako nahawaan. May mabait pang natitira sa akin. Sana huwag dumating sa puntong wala na.
Nang maghigh school kami. Doon ko lang nakilala si Franz at Nathan. Hindi ko naman maipagkakaila na sobrang naging close kami ni Nathan.
There was this girl who always sent me letters. Pero hindi ako nag-abala para basahin 'yon. It was always Athena who have the patience to read those letters. Unang una marami talaga akong narereceive na letters pangalawa hindi ko naman alam kung kanino galing lahat 'yon.
Lalo na't they never indicated their real name. That SUCKS! How would I know?!!
"Dear Graezer, I love the way you play basketball. You really are my MVP!!! Hahahahahaha" Athena mocked.
Hindi ko maiwasan ang hindi matawa dahil kahit kailan hindi ako naentertain ng kahit na sino sa mga nagbibigay sa akin ng letters.
"Ano na naman ba kasing ginagawa natin dito?" sarap sumapak ng kaibigan. "Parang buong high school year puro tayo volleyball"
"Puro ka naman reklamo Nathan" nairita ako, biglang napaupo na lang ako sa bleacher.
YOU ARE READING
After Aurora (July 2020, Completed)
FanfictionGraezer Alpharo, the varsity player and son of the owner of Alpharo University decided to leave her loved one just to save his family business. Is he going to regret for not choosing the girl he left behind?