"Wow tangna may pacondo ka na bakla!"dahan dahan pang pumasok si Christy parang hindi akalain na makakabili ako ng sarili kong condo. Well hindi ko naman talaga binili.
"Hindi ko naman binili e regalo ni Tito yung kapatid ni Mama." hinila ko na papasok si Christy naninibago tuloy ako parang akala mo naman may tinatago pang hiya.
"Bakit mo 'ko tinawag papacondo blessing ka e hindi naman ako pari tirador lang ng mga sakristan no." kahit kailan talaga hindi mawawala ang isang kaibigan na puro reklamo.
Habang nagpreprepare ako ng kakainin ay may narinig akong katok. Baka sila Lily na 'yan. Inutusan ko si Christy para buksan ang pinto pero busy naman na siya sa panonood. Wala na rin naman akong mauutusan na iba kaya ako na ang gagawa.
"Hi Ma'am" bungad ni Nathan. Napaatras pa ako sa gulat.
"Uy anong sadya natin?" nagaalinlangan kong tanong.
"Tinanong ko kay Tita kung saan condo mo. So ipapass ko lang 'to sorry napaaga Ma'am. Baka kasi 'di ko magawa bukas e alam mo naman birthday ko bukas wala na akong oras monday pa man din ang deadline niyan." at inabot niya sa akin ang isang folder na may lamang requirements.
"Hoy sino yan?" Christy shouted.
"Si bakla ba 'yon?" Nathan asked at pilit na sumisilip. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Hoy Nathan ikaw pala. Halika pasok ka na hayaan mo welcome na welcome ka." hinila na papasok ni Christy si Nathan. Wow hah condo mo.
Nang makapasok na si Nathan ay bigla siyang napahinto at tinanggal ang pagkakahawak sa kanya ni Christy.
"Sandali lang." pagpapaalam ni Nathan at agad lumabas ng condo.
Nang tumalikod ako at magtutungo na sana sa kusina ay biglang narinig ko si Nathan na parang may niyayayang pumasok.
"Halika na!!! Hiya hiya ka pa." Nathan shouted. Hindi ko na binalak pang silipin kung sino. Bakit parang ramdam ko si Graezer.
"Grae?!" nagulat na reaksyon ni Christy. Agad akong nagtungo sa kusina at magpapakabusy muna. Napansin ko namang pumasok na si Nathan at kasama nga niya si Graezer.
I took a deep breath and the door was closed at the same time. Graezer's here how to act normal? How to act like i'm not affected at all. Fuck. This is too much for us.
"Okay ka lang?" don't asked me Christy if i'm okay 'coz i'm not madafaka!!!!
"Pumirmi ka nga!" Christy calmed me down.
"Am I dreaming? Wake me up please!" I commanded at binatukan naman ako ni Christy.
"Aray naman. Ikaw kasi nagpass lang ng requirements si Nathan niyaya mo na." I blamed Christy. Totoo naman kung hindi niya niyaya si Nathan malamang di sila papasok ng condo.
"E gaga ka pala. Sino ba kasing nagsabi na magpadeadline ka ng monday malamang ipapass yan ng maaga kasi nga hindi magagawa bukas di ba?" tama naman siya pero kasalanan pa rin niya.
Nang maluto na ang meryenda naming carbonara ay agad akong nagpatulong kay Christy. As I walked towards the living room I saw Graezer. Nakaupo lang siya sa may sofa habang pinagmamasdan niya ang phone niya.
"Eto na ang carbonara ni Madam Aphro!" bentang benta hah Christy. At sabay naming nilapag ni Christy sa table ang specialty kong carbonara.
Iisang pahaba na sofa at dalawang bean bag pillow chair lang ang meron dito sa condo ko. Uupo pa lang sana ako sa isang bean bag pillow chair pero agad umupo si Christy wala akong choice kundi tumabi sa sofa kasama si Graezer mabuti nalang pang tatluhan ang sofa kaya medyo may space pa sa pagitan namin.
YOU ARE READING
After Aurora (July 2020, Completed)
FanfictionGraezer Alpharo, the varsity player and son of the owner of Alpharo University decided to leave her loved one just to save his family business. Is he going to regret for not choosing the girl he left behind?