Chapter 34 : Payo ng Bestfriends!

1.1K 40 3
                                    

(A/N : Big Hugs >:D< sa mga bagong fans ko! sana yung mga naglalagay sa RL nila at nagvovote eh magparamdam naman, pero kung komportable kayo sa pagiging silent keriboom lang. salamat sa pagbabasa. Loveyeaaah guysh! ;*)

BE A FAN - VOTE - COMMENT =)

^o^ PUZZLEDMEMORIES ^o^

Chapter 34 : Payo ng Bestfriends!

 

 

(Jake's POV)

 

kakabasa ko lang ng album ni jiro, hanep sa pagkakagawa. parang nabading eh. pero seryoso, kahit naman ako ganon din kadrama nung nasaktan ako, hindi ka naman pipili pa ng salita para lang magmukhang matapang sa iba, kasi alam mo sa sarili mong hinang-hina ka.

kung tatanungin niyo ako , kung pano ko nagagawang lumapit kay shane ng ganto ? simple lang isasagot ko sainyo. kasi totoong naka-move on na ako. sapat na yung Tatlong taon, dalawang taon sa France at isang taon na pag-aantay dito, nakakapagod. nakakaubos ng lakas.

"Oh, dilat na. nabasa ko na." 

"a..ano ? anong m..masasabi mo jake ?"

"wala."

"ANONG WALA ?" napataas na boses na sabi ni shane. 

"ano bang gusto mong marinig galing sakin ?"

nalungkot naman bigla yung mukha niya...

"shane, iba kasi yung kinikilos mo sa sinasabi mong move-on kuno mo eh. kaya nga tinatanong kita kung anong gusto mong marinig sakin kasi hindi ko alam kung pano ko sasagutin yung tanong mo"

"Go straight to the point jake, opinyon mo lang naman hinihingi ko eh, no less no more."

huminga ako ng malalim, hindi ko naman kasi kayang sabihin sakanya to kasi alam kong masasaktan at masasaktan siya.. pakiramdam ko kasi....ah basta.

tiningnan ko siya sa mata.

69 days to fall inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon