Tutuloy o hindi tutuloy?
Tamad na tamad ako! This bed is sucking me in. Hindi ako makabangon. Iniisip ko din na masasayang lang pagod at pera ko, hindi din naman ako matatanggap.
Pang pitong interview ko na 'to, lahat binagsak ko. Aasa pa ba akong papasa ako sa isang 'to?
Pumikit ako at huminga ng malalim.
Haaaay sige last na 'to. Kapag hindi pa ako natanggap maglalako nalang akong karyoka. Hahahahahah!
Pinilit kong ibangon ang sarili ko sa pagkakahiga, nagjump and jack ng ilang beses at sabay dampot ng tuwalya at pasok sa CR.
After 45 minutes ay natapos na akong mag asikaso. Dali-daling lumabas at ikinandado ang pinto. Habang pababa ng hagdan ay pasigaw akong nagpaalam sa Land Lady namin.
"Aling Berna alis na ho ako!"
Dumungaw siya sa bintana at pasigaw ding sumagot.
"Oh sige, mag ingat ka't ipasa mo na ang isang 'yan!" Sabay tawa ng mahina.
Heto na naman! Sabak sa gerang walang kasiguraduhan. Nakakapagod. Pero kailangan! Kun'di mapapalayas na ako sa inuupahan ko. Hahahahhaa joke mabait naman si Aling Berna, may konsiderasyon. Naiintindihan niyang mahirap maghanap ng trabaho, at nakikita niya naman na nagpupursigi ako (syempre pa-kita lang iyon, ang totoo tamad na tamad talaga ako!) At isa pa, wala na akong budget pang-travel. My mind needs to breathe from this insanity.
Nakababa na ako ng bus. Ngayon naman ay kailangan kong hanapin ang building. Time check - 8:56am, may isang oras at apat na minuto pa ako bago ang interview. Ito ang pinaka-kinaiinisan ko sa pag-a-apply. Hanapin yung mismong office! Sa dami ba naman ng pinuntahan kong interview diba? May'ron na akong evaluation sa pinaka-nakakainis na step sa pag a-apply. Pwede na nga din akong gumawa ng blog o vlog ng tips sa pag-a-apply, kaso wala namang maniniwala dahil mismong ako eh hindi pa natatanggap.
At ito pa, mas naliligaw ako sa map na 'to. May isang beses dinala ako nito sa under construction palang na building! Nakakaloka! Mas maigi pa magtanong-tanong na lang.
Aaminin ko, mahina talaga ako pagdating sa paghahanap ng location. Boba ako sa bagay na to, napaka-ironic na traveler pamandin ako. Kaya eto, pa-ikot ikot lang ako sa kalyeng 'to at nasayang na ang 20 minutes ko! Ano na! Asan ka na bang building ka!
Habang nakatayo ako sa gilid ng isang convenient store, may napansin akong lalaki sa tawid na nagtatanong sa security guard, mukang naliligaw din. Sa pustura niya, aplikante din - naka-formal attire at may dalang envelope. Bakit ko siya napansin? Matangkad siya, 6 footer. At... katabi ko siya sa bus kanina. Siya yung inunahan pa ako sa pag upo kahit ako yung nakatapat sa pababa nang pasahero! Hiyang hiya ako sakanya! Nangalay siguro pagkahaba-haba niyang binti! Mukang poste. Tss.
Habang tinitignan ko siya mula sa tawid ng kalye, nagulat ako't lumingon siya sakin. Naglakad siya at tumawid, at papalapi't siya ng papalapit.
Nang tuluyan siyang makalapit, dinaanan niya lang ako at pumasok siya sa building sa tabi ng kinatatayuan ko. Nakalimutan kong malabo nga pala ang mata ko, kala ko sakin siya nakatingin.
Napaisip ako bigla, may building pala dito? Ay shet! Napalingon ulit ako sa building at sa Company Name na nakapaskil doon. NAPAKAHUSAY! Bakit hindi ko 'to nakita?! Kanina wala 'to swear! Hay nakakabuang.
Pumasok na din ako ng building at nagregister sa lobby. Pag akyat ko sa mismong office, naabutan kong papasok sa interview room yung lalaking nakasabay ko sa bus. Sinabihan naman ako na maghintay muna at tatawagin nalang daw ang susunod kaya umupo muna ako katabi ng iba pang applicants.
BINABASA MO ANG
Wanderers
RomanceHave you ever wondered what is in there after death? Would it be dark? Would I be able to feel? Or maybe I'll be reincarnated. Or just... nothing? How about suffocating and flooding your mind with endless what if's? Like 'what if' this or that never...