Chapter 6: Fucked up

219 125 3
                                    


*Alarm Ringing*

[5:00am]

Inabot ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table at pinatay ang alarm. Tinanggal ko din ang facial mask sa muka ko na kagabi pa nakababad.

Napahikab ako at napaunat, haaaaaa ang sarap matulog! Pinilit ko ang sarili kong bumangon at nagstretching ng ilang minuto. Pagkatapos ay nagsalang ako ng mainit na tubig, nagmumog, at naghilamos. Pagka-kulo ng mainit na tubig, nagtimpla ako ng protein shake at ininom ito. Pinalitan ko ang suot kong pajama ng leggings at nagsuot ako ng running shoes at pagkatapos ay lumabas ako ng apartment at nagsimula ng tumakbo sa village.

Today is Wednesday, back to work na! Pero okay lang dahil nakapagpahinga naman na ako at nakapag-recharge, thanks to Masasa Beach! Medyo kinakabahan lang ako sa magiging trabaho ko ngayon at bukas at baka tambak iyon dahil nga wala si James. Speaking of James! Nakalimutan ko magpa-pasa ng picture sakanya, wala tuloy akong nalagay sa photo album ko pagkauwi ko nung Monday. Pagka-balik niya nalang sa office tyaka ako magpa-pasa.

Bumalik ako sa apartment after 30 minutes na pagjo-jogging. Uminom agad ako ng tubig at nagpahinga sandali. Pagkatapos ay nagprito ako ng itlog at kinain ko ito na may kasamang wheat bread at japanese mayo. Naligo nadin ako at nag-asikaso para pumasok sa trabaho.

I got in the office 45 minutes early. I opened my emails and my gosh! It's flooding! Hoooo! Inisa-isa kong tinignan at ni-reply-an ang mga emails. Nang umabot ako sa pinakadulo ng un-read emails ay nandoon ang pangalan ni James. Bat niya ko in-email alam niya naman naka-leave ako?

[Sent last Sunday 11:07pm]

Binuksan ko iyon at tumambad sakin ang pagkarami-raming photo attachments. Nanlaki ang mata ko sa gulat at bigla kong binabaan ang brightness ng laptop ko at medyo ibinaba ang screen. Loko talagang James 'to! Anong akala niya sa Company email namin personal email?! Nakooooo pag may nakakita neto!
Pero pinagpatuloy ko parin naman ang pagtingin sa mga iyon at di-nownload ko pa! Kinonekta ko ang cellphone ko sa laptop at nilipat ko ang mga pictures sabay delete ng mga naka-save sa laptop. Buburahin ko nadin sana ang email niya nang mapansin kong may note pa sa ilalim.

P.S. Sorry hindi na ako nagpaalam sayo kanina, ang sarap kasi ng tulog mo ayoko ng gisingin ka. Enjoy the pictures! 🙂

*Ehem*

Na-sara ko ang laptop ko dahil sa gulat nang marinig ko si Nikolas- I mean Mr. Jeremias, na nasa loob ng pod.

"Sir!" Nagtaka siya sa reaksyon ko.

"Goodmorning?" bati niya na may pagtataka padin.

"G-good morning Sir." Pilit akong umakto ng normal.

"Sooo.... I just came here to check on you, since you're alone here. Apple will be sitting with her team for now because they have a lot of deadlines."

"Oh? Uhm, that's okay."

"Well, you know... I'm alone in my office too so you should probably... work with me there. And since I'm handling this account, I think that's gonna be more efficient?" Why do I feel like he's asking for my permission? Isn't he the boss who just need to command me to just move to his office?

"Y-yeah? Ofcourse... Sir." Na-wi-weirdo-han kong sagot.

"Good! Don't you worry I have an extra desk there and you're not gonna sit on the floor." Sabay tawa.

"Okay!" tumatawa kong sagot.

"Okay! J-just move there anytime you want." I nodded and smiled then he went ahead. Did he just stutter? Never heard him speak like that!

WanderersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon