Chapter 7: Make Amends

199 106 2
                                    


"THEA ANONG GINAWA MO?!"

Nataranta ako lalo sa sigaw ni James. Alalang-alala siya sa nangyari. Ikaw ba naman pagsarahan mo ng elevator ang boss niyo eh?

"P-please James, spare me the lecture! I'm in a panic too!"

"Haaaaays!" Napa-buntong hininga na lang siya at pinindot ang 26th button para umakyat muli ang elevator.

"Hindi ko maintindihan Thea, bakit mo ginawa 'yun?" Sabi niya pagkarating namin sa pod.

"Oh! Good morning guys!" Bati ni Apple na hindi namin pinansin dahil sa pag-aalala.

"Anong pumasok sa isip mo?" Tanong uli ni James na hindi ko sinasagot dahil nag-iisip din ako.

"Woaaah Thea James is back!" Sigaw ni Lance pagka-dungaw mula sa pod nila.

"Hey! You shouldn't call them that! Pag ikaw narinig ni boss!" pagbabanta ni Apple sakanya.

"At ano namang kinalaman ng THEA JAMES kay boss aber?!" sagot pa ni Lance.

Lalo kaming kinabahan ni James, alam kaya ni Apple? Napa-tingin kami sakanya at naghihintay ng sagot.

"Why are you looking at me like that? It's because he looks like Theo James, so you shouldn't call them THEA JAMES. Gets?!" Natawa si Lance sa sinabi niya at napailing nalang kami ni James. Lalo akong nakaramdam ng stress dahil sa ingay nila.

"So anong gagawin natin ngayon Thea?" Nag-aalalang tanong ni James.

"Oooohhh LQ si THEA JAMES!" Pang-aasar ni Lance. Hindi naman ako ulit sumagot kay James dahil hindi ko alam kung ano bang gusto niyang sabihin ko. Hindi ko din naman alam ang gagawin!

"THEA?!" Sigaw ni James sakin dahil hindi ko siya pinapansin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumabog na ako.

"I DON'T KNOW OKAY?! MAYBE IF YOU JUST LEFT ME ALONE AND NOT FOLLOW ME EVERY STEP OF THE WAY, THIS SHOULDN'T HAVE HAPPENED!!" Nagulat silang lahat sa pagsigaw ko.

"Ooooops." Sabi ni Lance sabay balik sa pod nila. Si Apple naman ay pinagpatuloy ang ginagawa niya at hindi na tinangka pang magtanong. Alam niya na ang mangyayari, she's been here in this kind of situation with me.

Hindi naman nakapagsalita si James sa sobrang gulat sa sinabi ko. Malamang ay hindi niya inasahan ang bawat salitang lumabas sa bibig ko.

Bigla naman pumasok sa pod yung lead mula sa ibang account.

"Excuse me? Sir Nic is asking for you Thea, he's in his office." Kumabog lalo ang dibdib ko. Feeling ko hihimatayin na ako anytime.

Aside sa nangyari kanina, we're so awkward- I mean I'm so awkward with him since yesterday because of my overthinking problems. So this is really not gonna go well. Shit!

I went to his office and there he's sitting in his desk busy doing something in his laptop. I know he noticed me entered but he didn't gave me his attention, so I assume he's waiting for my apologies.

"I-I'm really sorry about what ha-"

"I didn't call you about that. Well, why do I care?" putol niya sa pagso-sorry ko.

Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sakin. Napalunok ako dahil napaka-seryoso ng muka niya.

"Where's the report from yesterday? I need that now." He said coldly.

"I-I'll send it r-right away S-sir." Nabulol na ako sa sobrang kaba. Nararamdaman ko din ang pawis ko na tumatagaktak kahit na naka-aircon.

Bumalik siya sa ginagawa niya pagkasabi ko 'non nang walang salita. Ayun na siguro ang sign na dapat na akong lumabas. Kaya lumabas na ako at dumeretso sa CR.

WanderersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon