Chapter 4: NIKOLAS

234 144 2
                                    


Minulat ko ang mga mata ko at ginala sa silid na kinaroroonan ko. Nakahiga ako sa isang malambot at malawak na kama, mayroong malaking TV sa harap, at salamin ang dingding na kita ang labas. Nasan ako?

Pinilit kong bumangon para maupo pero dahil sa sakit ng ulo ko ay napa-ingit ako. Nagulat ako nang may biglang tumayo mula sa sahig sa tabi ng kama. Si Mr. Jeremias.

Lumapit siya at hinawakan ako sa balikat.

"Hey hey, are you alright? Don't push yourself up, you need rest."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Bakit ako nandito? At sa itsura niya, halatang puyat siya dahil sa lalim ng mata niya. Mukang hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa sahig siya naglatag at natulog.

"How are you feeling?" tanong niya muli na may pag-aalala, at umupo siya sa tabi ko.

"Uhm.. a bit dizzy, but I think I'm fine."

"You passed out and you're burning in fever. I think because you are soaked in rain." Shocks I remember. He's the guy who ran to me... and hugged me. So who did-

I look at my clothes and I'm wearing a different one. A loose polo and a pajama. And I don't feel wearing undergarments.

"I-I am sorry about that! I have to change your clothes, you're all wet and... y-you're freezing." He awkwardly explained.

Why am I in this kind of situation?! Shit shit bakit siya pa ang nakakita sakin doon, at sa ganoon pang sitwasyon, at ngayon sa ganitong sitwasyon. I don't know what to react! He saw my fucking body!

He noticed me worriedly thinking about what he said so he cleared his throat.

*Ehem* "I-I'll go ahead and make something for you to eat." He stood up and went outside.

Nang maisara niya na ang pinto, ay napahawak nalang ako sa ulo ko at pahigang bumagsak sa unan. What am I gonna do?! Shooooocks! This is all my fault! I should have controlled myself, or if I just decided to rest up and not come to work this should not have happened.

Lalong sumakit ang ulo ko sa mga naiisip ko. Huminga ako ng malalim at napatingin ako sa labas. Tanaw ko ang maliwanag na buwan at mga bituin na nasa ibabaw ng mga nagtataasang gusali. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit doon. Sa tantya ko ay nasa 20th floor kami. Ang ganda ng tanawin, nakaka-gaan ng pakiramdam.

Napaisip ako at napa-buntong-hininga. Haaaay, imbis na magpasalamat ako kay Mr. Jeremias ay ganon pa ang naging reaksyon ko. Pinatulog niya pa ako sa kama niya samantalang siya ay sa sahig natulog. Ngayon pinaghahanda niya pa ako ng makakain. Sobrang nakakahiya.

Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang hinanap ang kusina, na nasa kaliwa lamang paglabas ng kwarto.

Marahan akong lumapit at doon ay nakita kong nagluluto si Mr. Jeremias. Nakatalikod siya at nakaharap sa kanyang niluluto, suot ang kanyang gray na jogging pants at itim na t-shirt. Humarap siya upang ilagay ang niluto sa lamesa at nakita niya akong nakatayo doon. Ngumiti siya bago nagsalita.

"Good morning."

"I don't know what time is it... but good morning." He chuckles. I walked toward the chair in front of him and sat there.

"It's pass 2 midnight." Then he sat as well.

Nilapit niya saakin ang isang plato ng omelet at sandwich.

"Thank you."

"Oh I forgot, do you want a coffee?"

"No, no I'm good."

"Ofcourse you'll say no. Why do I need to ask, you always drink one in the office." Tumayo siya at kumuha ng tasa.

"So, I suppose what happened to you is about the past that you mentioned during the interview." Sabi niya habang nagtitimpla.

WanderersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon