It's been almost two weeks since I started my job. Today is Thursday, and we are in a middle of a very busy day."Thea, have you scheduled my intake call with the Hiring Manager?" - Apple
"Yes, Monday next week.""Hey Thea? Can you send me the link for this job portal? I think I lost it somewhere in my notes." - James
"Done."
"And what about with the other clients? Have you scheduled them with me?" - Apple
"On it."
Our week of training is done and we started with the real work last Monday. As you can see, they all rely on me, 'cause I'm assigned in the Coordination. James' in the sourcing, paper screening and initial assessment, and Apple is the one communicating with the Hiring Leaders. Lance also supports us, but just for few positions, that's why he's still sitting with his team and coordinating with me through chat. Tutulungan nila kaming dalawa hanggang sa magamay namin ang trabaho, pero lahat kami ay direktang magre-report kay Mr. Jeremias bilang acting lead ng account na ito.
Sobra na ang stress at pressure na nararamdaman ko simula ng magsimula hanggang sa ngayon. Lalo pang lumala dahil nagsimula na ang totoong trabaho. Akala ko ay matatahimik na ang mundo ko pagkatapos ng training, yun pala eh makaka-trabaho ko padin si Apple. Dumoble pa ang ingay niya dahil pati siya ay pressured. Ikaw ba naman dalawang account ang hawakan? Lead pa more!
Hindi din ako nakapagpahinga nung day off dahil kailangan kong maglaba, maglinis, at mag-grocery. Gusto ko man magtravel kahit day tour lang, ay hindi talaga kaya. Kaya ngayon, tambak na ang stress sa katawang lupa ko. Pakiramdam ko konti nalang ay sasabog na ako.
Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko at magpokus lang sa ginagawa. Hirap na hirap akong magtrabaho kapag ganito ang sitwasyon. Hindi ako sanay na may ka-teammates, lalong nagugulo ang utak ko. Lalo pa't dinidiktahan ni Apple ang bawat galaw ko, hindi iyon epektibo sakin dahil may sarili akong mga strategy sa pagta-trabaho. Masyado din siyang ma-dada, napaka-raming sinasabi na hindi naman namin kailangan marinig.
Biglang dumungaw si Lance mula sa pod nila.
"Huy Thea, asan na yung mga resume?"
"Ha?" lutang kong tanong.
"Nagchat ako sayo, tignan mo."
Tinignan ko ang chat niya, at ayun nga ang listahan ng hinihingi niya. Hindi ko na napansin dahil sa sobrang daming naka-open na window.
"S-sorry hindi ko napansin. I'll send it right away."
"No worries! Salamat!" at saka siya umalis sa pagkaka-dungaw.
I compiled the resumes and sent it to Lance. Then another chat popped out.
James: Thea? I sent you the candidates to be scheduled for Hiring Manager interview. We need that asap, sorry!
I looked at him with an exhausting look.
"Seriously?" I said. Then he just answered with a peace sign.
Nagchat nalang siguro siya dahil alam niyang natutuliglig na ang tenga ko sa ingay. At nagpeace sign pa talaga siya? Hahahah. Medyo nagiging okay na ang pakikitungo namin sa isa't-isa sa nagdaang mga araw. Kayo ba naman halos araw-araw magkasabay sa byahe papunta at pauwi? Tamang ngitian at tanguan lang, pero atleast medyo nawawala na ang ilangan at iwasan.
Sinimulan ko nang i-schedule ang mga candidates na si-nend niya, nang biglang sumigaw si Apple mula sa desk niya na kanina pa nakakunot ang noo.
"Oh shit where is that file?!" napatingin kami ni James sakanya.
BINABASA MO ANG
Wanderers
RomanceHave you ever wondered what is in there after death? Would it be dark? Would I be able to feel? Or maybe I'll be reincarnated. Or just... nothing? How about suffocating and flooding your mind with endless what if's? Like 'what if' this or that never...