Chapter 14: Emotional Rollercoaster

87 20 0
                                    


“Sandali lang Pao hintayin mo ako!” sigaw ko habang tumatakbo at sinusundan si Pao habang hawak hawak ko ang saranggola ko.

Wala siyang tigil sa pagtakbo at ganoon din ako. Ayokong mawala siya sa paningin ko dahil sa takot na matulad sa mga magulang ko na hindi ko na natanaw dahil sa bagal kong tumakbo.

Sinundan ko siyang pumasok sa mga iskinita, at nagulat ako nang makalabas kami mula sa makikitid na daan - nasa dalampasigan na kami.

“Woooow.” Ayun na lang ang nasabi ko habang pinagmamasdan ang paligid.

Yumuko ako para haplusin ang mga balahibo ni Pao. “Pa’no mo nalaman ‘to?”

“Arf! Arf!” Masiglang tumahol si Pao at halatang masaya siya dahil napasaya niya ako.

Niladlad ko ang hawak kong saranggola at saka tumakbo habang sinasalubong ang malakas na hangin dala ng mga alon ng dagat. Sobrang saya ng pakiramdam ko habang pinapanood ko ang saranggola ko na tangayin ng hangin sa itaas at kasama ko din ang aso kong si Pao na nakasunod din ng takbo sa akin.

Ito ang ala-ala ko. Ang best friend kong si Pao ay aso at hindi isang bata.

Today is Monday, and it’s 3 o’clock in the midnight. Nagising ako mula sa panaginip na yan. Ngayon ko nalang ulit ‘yan napaniginipan since nung bata pa ako, dahil naiisip ko na naman uli, at ngayon mas lalo kong naiisip dahil sa kalituhan sa mga sinabi ni James sakin kahapon.

[Flashback]

“Tahan na Pearl… andito na si Pao.”

Litong-lito ang isip ko. Paano nangyari ‘yon? Paanong siya si Pao? And that phrase he said, “Tahan na Pearl… andito na si Pao.” Pakiramdam ko ay narinig ko na ang mga salitang ‘yan. And he knows my name… Pearl.

“H-how did y-you know my n-name? And how d-did y-you know… Pao?” I managed to ask, still shocked by what he said.

“Hindi mo ba naaalala? Ako ‘to… si Pao. Yung bestfriend mo sa bahay-ampunan.” Naiiyak niyang sabi.

I don’t understand. I don’t remember any other Pao aside from my dog. And I don’t remember being in an orphanage either. I don’t get it. Bakit iba ang mga ala-ala ko sa sinabi niya? Hindi kaya nagkakamali lang siya at hindi ako ang hinahanap niya? Pero yung picture… at ang pangalan ko… Pearl. Ako ba ang nagkakamali? Ang mga ala-ala ko ba ang may mali? ‘Yung ala-ala ko sa mga magulang ko… mali din ba ‘yon? Baka hindi talaga nila ko iniwan? Baka panaginip lang talaga lahat ng ‘yon?

“H-how about my… my p-parents, do you know them?” Pagbabaka-sakali ko. Baka kilala niya ang mga magulang ko dahil kilala niya ako.

Bigla naman siyang nagulat at napahinto sa tanong ko na tila mayroon siyang hindi magandang naalala. Pero agad niyang binawi ang reaksyon niyang iyon.

“I-I’m sorry Pearl… h-hindi ko sila k-kilala.”

Huminga akong malalim… “I-It’s fine.” At pinilit kong ngumiti.

Bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit at naramdaman ko ang paghikbi niya.

“I can’t believe it’s you… I finally found you Pearl.”

He was so happy that time, and I’m glad for that. But I felt bad that I can’t celebrate with his happiness because I don’t remember him. And I felt disappointed knowing that he doesn’t know anything about my parents. I have that little hope in me that if he knew my parents, maybe somehow, there is still chance to see them. Even though I’m not making any efforts to find them, deep inside me, I still want to see them.

WanderersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon