Dali-dali kong binuksan ang gate at patakbong lumabas upang payungan siya. Basang-basa siya at wala pading tigil sa pagsigaw."THEA ALAM KONG HINDI TOTOO MGA SINABI MO! BAWIIN MO 'YON! BAWIIN MO 'YON LAHAT!"
"James anong ginagawa mo?! Alas-dose na nakakahiya sa mga kapit-bahay... tsaka basang-basa ka!" Bigla niya namang tinabig ang hawak kong payong na pilit kong tinatapat sakanya sa kabila ng katangkaran niya.
"WAG MO AKONG PAYUNGAN HINDI KO KAILANGAN NIYAN! ANG KAILANGAN KO... BAWIIN MO ANG MGA SINABI MO. NA KAILANGAN MO AKO! NA KAIBIGAN MO AKO!" Amoy na amoy ko ang alak mula sa hininga niya dahil sa pagsigaw niya sa mukha ko. Kaya pala malakas ang loob niyang sigawan ako dahil lasing siya.
"James... lasing ka tama na. Halika na hahatid na kita sainyo." Ilalagay ko sana ang braso niya sa balikat ko upang alalayan siyang maglakad, nang bigla niya akong yakapin dahilan upang mabitawan ko ang payong.
"THEA... SABIHIN MO SAKIN NA HINDI TOTOO LAHAT NG 'YON." At nagsimula na siyang humagulgol sa balikat ko.
Hindi ko alam na ganito niya ka-grabe dinibdib ang mga sinabi ko sakanya. At ngayon na halos magmakaawa siyang bawiin ko ang mga iyon, sobra akong nakokonsenya.
"H-hey... James... I'm sorry." I said while still in his arms and I started to pat his back.
"Hindi totoo ang mga sinabi ko... n-nadala lang ako. Ikaw kasi ang kulit mo din."
"HINDI AKO MAKULIT! IKAW ANG MAKULIT! AYAW MO SABIHIN SAKIN BAKIT KA NAGAGALIT!" Sigaw niya pa na halos ikabingi ko dahil naka-yakap padin siya sakin. Lumakas din lalo ang paghikbi niya na parang bata at pareho na kaming basa sa ulan.
"Oo na, oo na ako na makulit." Natatawa kong sabi dahil para siyang batang nagta-tantrums.
"Tara na ihahatid na kita sainyo." Kumalas ako sa pagkakayakap niya at nilagay ko ang braso niya sa balikat ko upang alalayan siyang lumakad.
Hinayaan ko nalang ang payong sa tapat ng apartment at hindi na iyon kinuha dahil basang-basa nadin kami pareho. Naglakad kami palabas ng village at tumawid papasok sa subdivision nila. Sana lang ay maituro niya ng maayos sakin ang direksyon pauwi sakanila. Haha!
Wala na gaanong tao sa daan lalo na pagkapasok namin sa subdivision nila. Na-tuturo niya naman ng maayos ang mga lilikuan kaya tuloy-tuloy lang kami sa paglakad. Gusto ko siyang kamustahin at kausapin dahil sa Death Anniversary ng nanay niya ngayon, pero alam kong hindi ko siya makakausap ng matino.
"DITO NA BAHAY NAMEN! AY MALI... BAHAY PALA NILA! HAHAHAHAHH!" Ano daw?! Ang gulo naman ne'tong lasing na'to. At ang lakas padin ng boses niya!
May biglang lumabas sa tapat ng bahay na kinatatayuan namin. Na-ingayan siguro sa ingay ni James dahil mukang galit iyon. Hihingi sana ako ng paumanhin nang bigla iyong magsalita.
"Diba sabi ko wag ka ng tumira dito kung uuwi ka ng lasing?!" Galit na sabi ng lalaki, pero binuksan padin niya ang gate.
"Wala ka na ngang pakinabang, may gana ka pang maglasing! At may dala ka pang babae!" Wait what?
"U-uhm... Sorry! I'm not his- I'm just his friend. H-hinatid ko lang po siya." Bigla naman akong tiningnan mula ulo hanggang paa ng lalaki, sabay talikod ng walang salita at padabog na pumasok sa loob ng bahay.
Sumunod kaming pumasok at ibinalik ko sa pagkaka-kandado ang gate habang inaalalayan padin si James. Hay jusko ang hirap nito! Sobrang wala sa katinuan si James at pu-pungas-pungas siya dahil sa kalasingan niya. Saan kaya 'to nag-inom at sinong kasama niya? Hindi din ganito ang inasahan kong mangyayari sa paghatid sakanya. Akala ko pagdating namin ay may aalalay na sakanya papasok, o maayos akong kakausapin, pero mali ako. Sa pustura ng lalaki ay muka naman siyang tatay, pero ang akto niya, hindi pang-tatay. Pero hindi ako sigurado kung tatay nga siya ni James, kung sa itsura lang ay malayo dahil hindi niya iyon kamuka.
BINABASA MO ANG
Wanderers
RomanceHave you ever wondered what is in there after death? Would it be dark? Would I be able to feel? Or maybe I'll be reincarnated. Or just... nothing? How about suffocating and flooding your mind with endless what if's? Like 'what if' this or that never...