[Playing in Spotify: Alone Again by Gilbert O'Sullivan]In a little while from now
If I'm not feeling any less sour
I promise myself to treat myself
And visit a nearby towerAnd climbing to the top will throw myself off
In an effort to make it clear to whoever
What it's like when you're shatteredLeft standing in the lurch at a church
Where people saying: "My God, that's tough"
"She stood him up"
"No point in us remaining"
"We may as well go home"
As I did on my own
Alone again, naturally...Haaaaaa! Napakasarap sa pakiramdam! I never thought I'll have a chance again to escape from reality. Thanks to Nikolas! So here I am watching the outside from a window as our bus pass by them and with a stranger sitting beside me. This is so relaxing. And oh! With this kind of music in my ear, ahhhhhhh so perfect!
This bus is heading to Batangas City, where you know a lot of amazing beaches are there. Beach ang napili kong puntahan ngayon dahil alam kong sobra akong mapapagod kung magha-hiking ako. At dahil din sa nakita ko itong beach na 'to habang nagse-search ako sa internet, nakakamangha ang ganda sa mga picture at videos. Well maganda naman talaga mga tanawin sa Batangas, nakailang punta nadin ako dito, sa ilang beaches sa Nasugbu at Calatagan, at ngayon naman sa Masasa beach.
It's 4 o'clock in the morning, and I think we're almost there. It's been two hours travel time, which is fast cause if it's normal hours? Or with the manila traffic? It will take forever. So approximately, I'll get there in Masasa Beach by 6am.
Our bus stopped at the terminal. Pagkababa ko ay nagtanong agad ako kung saan ang sakayan papuntang Talaga Port, doon ang sakayan ng bangka para makatawid sa Masasa Beach. At madali ko lang natunton ang sakayan, bumyahe kami sakay ng jeep papunta sa Port nang mahigit kalahating oras. Pagdating sa Talaga Port ay nakasakay agad ako ng bangka dahil kaunti pa lang ang mga tao. Natulala nalang ako sa lawak ng dagat nang umandar na ang bangka.
Sikat na ang araw kaya naman kitang-kita na ang dagat at maging mga bundok na nakapalibot dito. Sa sobrang ganda ay napalipat pa ako ng upuan sa kabilang bahagi ng bangka para sa iba pang viewing perspective, at oo kahit na maalog ang bangka nagawa ko pading lumipat-lipat. Para sa tanawin! Hahahahha.
Lampas isang oras din ang binaybay namin bago kami nakadaong sa isla. Pagka-baba ay napa-wow nalang ako sa ganda ng isla na 'to. White sand, crystal clear na dagat, at pagkadami-daming coconut trees. Sulit ang mahabang byahe!
Nagrent ako ng kubo na tutuluyan ko sa dalawang araw na pag-stay ko dito. Inalok din ako ng may-ari kung gusto kong mag-Island Hopping at syempre gusto ko! Since two days naman ako dito, may time pa akong ma-enjoy itong Island bukas kaya lilibutin ko muna ang ibang Island dito ngayong araw. Mamayang alas-otso daw ang simula kaya kumain na ako at nagpahinga para mamaya ay handa akong mapagod sa paglangoy at pagsisid.
Sinundo ako ng magiging guide namin sa Island Hopping. Sakto ang dating niya at nakapagpalit na ako at nakapaglagay ng sunblock. Dinala ko ang snorkeling gear ko para kapag sisisid sa ilalim ng dagat. Naglakad kami papunta sa bangkang gagamitin namin na nasa bandang dulo ng isla. Buti nalang nagtsinelas ako dahil ang init ng buhangin sa paa.
Malapit na kami at tanaw na ang bangka. Ang liit lang pala? Ine-expect ko medyo malaki at maraming kasama katulad sa ibang Island Hopping na na-experience ko. Pero I think this is much better dahil ma-so-solo ko ang dagat.
BINABASA MO ANG
Wanderers
RomanceHave you ever wondered what is in there after death? Would it be dark? Would I be able to feel? Or maybe I'll be reincarnated. Or just... nothing? How about suffocating and flooding your mind with endless what if's? Like 'what if' this or that never...