Nagising ako sa pagkakatulog ko at napansin kong wala na si Apple sa tabi ko. Kanina lang ay tinabihan ko siya at natulog dahil pareho kaming pagod mula sa maghapong pag-aasikaso at paglalaro. Maging ang ibang kasama namin sa kwarto ay wala at ako lang mag-isa dito.Lumabas ako upang hanapin sila pero wala ni isang tao. Nasaan kaya sila?
Habang naglalakad ako ay bigla kong nakita si James na palabas ng kubo nila. Nakita niya ako at akmang papasok muli sa kubo."Hey James!" Pigil ko sakanya at dali-daling naglakad palapit sakanya kaya hindi na siya pumasok uli sa loob.
"Kung hahanapin mo si boss, andon siya sa beach kasama yung iba." Masungit niyang sabi.
"Huh? Hindi naman siya ang itatanong ko sayo, kundi lahat sila." Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa baba upang iwasan akong tingnan.
"Eh ikaw bakit nandito ka pa?" tanong ko sakanya.
"Wala ako sa mood." Matipid niyang sagot.
"Sus ikaw mawawala sa mood?"
"Tss. Dun ka na, hinahanap ka na ni BOSS." Akma siyang papasok ulit sa loob pero pinigilan ko siya.
"Wait, wait, wait. Anong problema mo?"
"Wala akong problema! Tsaka kung meron man wala ka naman pake dun diba?"
"Huh? Ano bang sinasabi mo? May nasabi ba ako? O nagawa? Para magalit ka sakin?" Hindi siya sumagot.
"Tara na punta tayo dun sa kanila." Yaya ko sakanya.
"Tapos iiwan mo ako pagdating dun at sasama ka kay boss? WAG NA LANG." Ohhhhhhh, he's jealous! Hay nako James, parang bata talaga.
"Ayun ba ikinatatampo mo dyan?" Natatawa kong sabi.
"Oh tignan mo tapos ngayon pinagtatawanan mo lang ako. Tssss."
"Hala sorry na! Ang tampuhin mo naman. Nagkataon lang na magka-grupo kami sa laro kanina kaya hindi tayo masyadong nagka-usap."
"Kahit bago pa maglaro? Nako Thea! Sinundo ko pa kayo sa dagat 'non ang sweet-sweet niyo! Tapos naka-bikini ka pa, di mo ba 'yun naisip? Lalaki kaya si boss! At alam ko isip naming mga lalaki!" Hindi ko napigilang ma-pangiti kahit galit siya sa pagkakasabi niya ng mga 'yan. It just felt good to know that he's concern about me.
"Oh anong nginingiti-ngiti mo dyan? Galit padin niyang sabi.
"Hmm... wala lang. Hindi ko alam na concern ka pala sakin." Humupa ang galit niya sa sinabi ko.
"Sorry na okay? Next time mas magiging aware na ako." Hindi niya padin ako tinitignan.
"Tara na labas na tayo dun at palamigin natin 'yang ulo mo." Bigla siyang napa-tingin sakin at nanlaki ang mata niya.
"H-hoy ang bastos mo Thea ha! A-anong palalamigin ang ulo ko?!" Nanlaki din ang mata ko at nahampas ko siya nang ma-realize ko ang ibig niyang sabihin.
"Hoooy! Ikaw 'tong bastos eh!" at bigla siyang tumawa ng malakas. Ito napapala namin sa mga games ni Apple at Lance eh! Tsk Tsk!
"Tara na labas na tayo baka ano na naman maisip ko." Yaya niya sakin, sabay sara ng pinto ng kubo.
"Tara!" tugon ko sakanya. Bigla niya naman akong inakbayan.
"Wag mo akong iwan dun ha! Kutusan talaga kita pag sumama ka na naman kay boss!" Natawa lang ako sa sinabi niya habang nakaakbay padin siya sakin.
"Oo na! Tampururot!" Pang-aasar ko pa sakanya. Tumawa lang siya at naglakad na kami palabas.
Naabutan namin sila sa beach na nakapalibot sa bon-fire. Nag-iihaw ng marshmallow, nag-iinuman, nagkakantahan, habang si Nicholas ay nag-gigitara. Hindi ko alam na marunong pala siyang mag-gitara.
BINABASA MO ANG
Wanderers
RomanceHave you ever wondered what is in there after death? Would it be dark? Would I be able to feel? Or maybe I'll be reincarnated. Or just... nothing? How about suffocating and flooding your mind with endless what if's? Like 'what if' this or that never...