09

6.3K 194 88
                                    

Chapter 09: Upset Not Jealous



Tahimik ako nang makabalik sa office. Binigay ko agad kay Cess iyong letter bago nagdiretso sa lamesa ko. Adam, Cess and I have our own working tables here. Malaki ang office. Mayroong lounge at dining table para kapag nagkayayaan kaming kumain.

I opened my laptop at inabala ang sarili sa pagdedesign ng tarpaulin na gagamitin sa darating na biyernes.

Isang kibo ng mouse ay agad din akong tumigil. Ginulo-gulo ko ang buhok ko. Naiinis ako! Hindi ko naman itatanggi na attracted ako kay Zelus. Alam ko na naman iyon noon pa lang makita ko siya sa cafeteria. Pero itong kakaibang nararamdaman ko, hindi ko alam kung normal pa ba 'to! May masakit at nakakapanginig sa inis.

Tumingin akong muli sa screen ng aking laptop. Sinusubukang ituloy ang design pero sa bawat click ay naaalala ko ang mukha nilang dalawa ni Addison!

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. They don't look intimate at all. Magkaharapan lang at si Addison ay mukhang alalang-alala kay Zelus. Siguro ay dahil doon sa pagkakabagsak niya kanina. Malamang nakita niya iyon. Pumunta siya sa locker at ipinatawag si Zelus!

Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagmamadaling umalis si Zelus doon sa bench nila.

"Basta Adah, binalaan ka na namin," Vixie and Hera's words echoed in my head.

Umismid ako. Hindi ko dapat masyadong dinidibdib ito. Attracted lang naman ako sa kanya. It doesn't mean that I like him. Magkaiba iyon hindi ba?

Tama.

Attracted.

Iyon lang 'yon.

Iniuntog ko ang ulo ko sa lamesa. Para akong baliw na kinukumbinsi ang sarili ko.

Hay nako Adah! Ano ka ngayon? Iyan ang napala mo!

"Ayos ka lang Adah?" Nag-angat ako ng tingin kay Cess.

"Yeah, I'm just tired," mahinang sagot ko. Pagod nga ba talaga?

"You can rest. Wala na naman tayong gagawin ngayon. Puro monitoring nalang," aniya kaya tumango ako.

I stayed at the office until 4PM. Tinapos ko na iyong design ng tarpaulin at ipinasa kay Regie, isa sa mga kasamahan ko sa council para maipa-print.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa aming booth nang mamataan ko si Zelus na nakasandal doon sa may punong dadaanan ko.

Damn!

Tatalikod sana ako at babalik na pero sa kamalas-malasan ay nakita niya ako! Umayos siya ng tindig at matamang tumingin sa akin.

Gusto kong batukan ang sarili ko. Halos iba't-ibang Santo na ang tinawag ko para lang kainin na ako ng lupa! Gusto kong maglaho ngayon din!

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya. Baka mamaya isipin niya na iniiwasan ko siya! Kahit totoo naman!

"Hey," bungad ko nang makarating sa tapat niya. I faked a smile.

Pinagkatitigan niya akong mabuti. Mukhang inaanalisa ang ekspresyon ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pa. Ha! Akala mo ipapakita ko sa'yo na affected ako? No way!

Whirlwind Romance (Philautia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon