15

6.1K 182 29
                                    

Chapter 15: Crush


Naging busy na kami sa pagrereview dahil finals na next week. Nandito ako ngayon sa library at kasama ko sina Vixie at Hera. Kagaya ko ay abala din ang dalawa sa pagbabasa ng kanilang notes. Wala na kaming masyadong klase dahil madalas ay binibigay lang ng professors ang topics na icocover sa finals.

Nagvibrate ang cellphone ko at agad kong tinignan kung sino iyon. Text message ulit galing sa isang unknown number. Agad na rumehistro ang kaba sa sistema ko. I already have an idea, who is it.

Binuksan ko ang message at bahagya akong natigilan nang mabasa ang naroroon.

From Unknown Number:

Konting panahon na lang Adah... magsasama na tayo.

Parang tinatambol ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Mabilis kong pinatay ang cellphone ko at sinubukang ituon ang atensyon sa pagbabasa. Ngayon na lang ulit nagparamdam sa akin si Aiden! Kagaya ng mensahe niya noong nakaraan, nanlamig na naman ako. I really need to do something! Hindi na pwedeng ganito. Ang takot sa pagbabakasakaling may gawin siya sa akin ay talagang nakakapanindig ng balahibo ko. Ang ala-ala mula noong bata pa ako ay unti-unting bumabalik sa akin. My loud cries for help and the fear for my life.

"Ayos ka lang?" Halos mapatalon ako sa gulat sa tanong ni Vixie. Alanganin akong tumango pero hindi nagsalita.

"Are you sure? Namumutla ka eh. Nagugutom ka na siguro?" Si Hera naman na ngayon ay bahagyang sinipat ang noo ko.

"I-I'm fine... nalulula lang ako sa dami ng pinag-aaralan." Palusot ko sa kanila at sabay na natawa ang dalawa.

"Asus! Tapos pagkabigay ng results ikaw ang top scorer!" Naiiling na sabi ni Hera at muli ng binalik ang atensyon sa pagbabasa.

Sinubukan kong magreview ulit pero walang pumapasok sa utak ko. It was like my mind suddenly went black. Natatakot ako sa mga sinasabing iyon ni Aiden. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o talaga gusto niya lang akong takutin. But what if he's really serious?

"Dito... Austin!" Kasabay ng sigaw na iyon ni Vixie ay ang pagsaway sa kanya ng librarian.

Natatawang lumapit sa amin si Austin at kasunod niya ay si Zelus. Dumiretso sa bakanteng upuan na nasa tabi ko si Zelus at si Austin naman ay sa tabi ni Hera.

"Are you okay?" Kunot-noong tanong ni Zelus at sinipat ako ng tingin. Napalunok ako at bahagyang iniiwas ang mga mata.

"Y-Yeah, I'm okay," hindi makatingin sa kanya na sagot ko.

"You sure?" Naniniguradong tanong niya.

"Yup! Ayos lang... ayos lang ako." Pangungumbinsi ko at nagthumbs-up. Tumango siya at may inilapag na paperbag sa harap ko.

Nagtatanong ko siyang tinignan.

"I bought you a sandwich." Kumindat siya at bahagya akong natawa.

"Bawal kumain dito 'di ba?"

"They won't notice if you block your face with this," turo niya sa makapal na librong binabasa ko. Itinayo niya iyon at bahagya akong pinayuko para matakpan ang mukha ko.

"See?" Nakataas ang kilay na sabi niya. Natawa na naman ako at dahan-dahang binuksan ang paperbag para kunin ang sandwich.

Nagsimula na akong kumain at siya naman ay abala na sa thesis niya. Bahagya kong nilingon ang mga papel na nasa lamesa.

Zelus Kairo Tallano.

So, that's his full name? Kaya pala ZK ang tawag sa kanya ni Austin.

Whirlwind Romance (Philautia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon