28

6.2K 158 18
                                    

Chapter 28: Deal


Diretso ang pasok ko sa taxi na nakaparada sa tapat ng hotel. Mukhang nagulat pa ang driver sa biglaang pagsakay ko dahil napabaling ito sa akin.

"Uh eh... uuwi na po ako Ma'am," aniya at nanlamig naman ako.

Sumulyap ako sa pinanggalingan at nakitang palabas din si Zelus.

"Sorry po, pero can you drop me off somewhere?" The driver looks puzzled nang marinig ang sinabi ko. Mas lalo akong kinabahan. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. "Pakibaba na lang po ako kahit saang banda, Sir. Pasensya na po." Hiyang-hiya ako. I can't afford to get off dahil makikita ako ni Zelus!

Napakunot ang noo ng driver pero kapagkuwan ay umandar din ang sasakyan. I swear! I will never forget this day!

"Artista ka 'di ba Ma'am?" inosenteng tanong niya habang nakasulyap sa akin sa rear mirror. "Ikaw iyong nasa billboard ng toothpaste," dagdag niya pa at nahihiya naman akong napangiti. Hindi alam ang sasabihin.

Matapos ang higit sampung minuto ay itinabi niya ang sasakyan sa tapat ng isang mall.

"Pasensya ka na Ma'am, dito na lang kita ibababa," aniya at tumango na lang ako.

"A-Ayos lang po Sir. Pasensya na rin po," ako naman at nahihiyang nagbuklat sa purse ko. I don't really carry cash kaya nagpapasalamat ako nang may makitang bill doon.

Halos malaglag ang panga ni Manong driver nang makita ang inaabot ko.

"Wala akong panukli riyan Ma'am," tanggi niya at marahang itinulak ang kamay ko.

Ako naman ngayon ang naguguluhan. Wala akong ibang pera kundi itong one thousand bill na 'to.

"Uh, eh... keep the change na lang po," sabi ko sabay abot ng pera at labas roon. Diretso ang lakad ko sa gilid kung saan kakaunti ang tao.

Halos nakayuko rin ako sa takot na may makakilala sa akin. I held on to my purse tightly at agad na kinuha ang cellphone ko. I dialed Kuya Ax's number pero out-of-reach! I tried to dial Jack's at ring lang nang ring iyon! Halos mapapadyak ako sa inis.

Bakit ang malas ko ngayong gabi?!

Saglit akong luminga-linga at nakita ang ilang electric bikes na nakaparada hindi kalayuan sa akin. Iyong mga driver na nakaroon ay nakatingin rin sa banda ko at tinatanong kung saan ang punta ko. They are asking politely kaya naman mahinahon rin akong tumanggi.

Naglakad ako palayo roon pero maingat na hindi makalapit sa mga tao. May mga nakikita akong taxi na dumadaan pero hindi tumitigil!

I typed in a text for Kuya Ax.

Ako:

Kuya where are you? Can you fetch me?

Pagkasend ay si Jack naman ang tinext ko.

Ako:

Jack, where are you?

Tumingin ako ulit sa mga taxi na dumadaan at sinundan kung saan sila tumitigil. Halos mapangiwi ako nang makitang doon iyon sa bulto ng mga pasahero.

May grupo ng mga estudyanteng babae na pumwesto ilang metro ang layo sa akin. Napatingin sa gawi ko iyong isa at nang magkatinginan kami ay napanganga siya. Mukhang nakilala ako! Tinapik niya iyong mga kasama at itinuro ang banda ko. Nang mapatingin lahat sa akin ay sabay-sabay na nagtitili ang mga ito.

"Adah Serene!" sigaw niya at nagsimula na silang humakbang palapit sa akin. Ako naman ay hindi malaman ang gagawin. I want to run away pero parang ang bastos naman n'on! Baka sabihin pa na suplada ako just like what other people assumed! Kung mananatili naman ako rito, makakaagaw ako ng eksena at baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Nag-iisa ako at walang Emma at Olivia na hahawi sa mga tao kung sakali.

Whirlwind Romance (Philautia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon