Chapter 02: Text
"Is it you? My girlfriend?" parang gusto kong lamunin ng lupa nang maintindihan ang sinasabi niya. Oh my Gosh! Siya talaga 'yon?! Si Zelus?
"Tinatakot mo siya pre!" pigil sa kanya ng isa sa mga kasama niya. Am I that obvious?
"Huwag kang epal Fuji," seryosong sabi naman ni Zelus kaya napalunok ako. Ang kaba ko ay hindi manlang nababawasan. Sa paglipas nga ng segundo ay parang mas lalo pang nadodoble ito!
"L-let me explain." Nagkakandautal kong sinabi. Tinignan niya ako habang nakataas ang kilay. And gosh! He looks so hot! Mas lalo siyang pumogi sa mga mata ko!
Ano ka ba naman Adah?
"Let's talk somewhere else, please." Hindi ko nga alam kung ayaw ko lang ba gumawa ng eksena dito o gusto ko lang siya masolo? Paano ba naman, iyong ilang babae eh halos mag heart-shape na ang mga mata sa pagtitig sa kanya.
"Wow! Englishera, Austin! Iba!" natatawang sabi ni Fuji doon sa isa pa nilang kasama.
Lumapit naman ito sa akin at pinagkatitigan akong mabuti. "Wait, you're Adah right?" Tanong niya.
"Huh?" nagtatakang sabi ko naman. Hindi ko siya kilala at bago ang mukha niya sa akin.
"Si Miss Business Ad! Iyong nanalo sa pageant?" dagdag niya pa.
Oh!
Alanganin akong napatawa. "Ah, yeah? Hi!" Iniabot ko sa kanya ang kamay ko para makipag-kamay. Like what I usually do.
"Here comes Miss Congeniality." Narinig kong bulong ni Vixie at bahagyang napahagikhik si Hera. These two!
"Are we going to talk or not?" napabaling kaming lahat kay Zelus nang magsalita siya. Ang suplado lang! Hindi na siya nakahawak sa braso ko at nakapamulsa ito habang bored na nakatingin sa akin.
Mabilis ko naman na inayos ang gamit ko sa lamesa. "Ah, yeah! We'll talk!" natatarantang sabi ko.
Nagsimula siyang maglakad paalis kaya naman mas lalo kong binilisan ang paglalagay ng gamit ko sa bag.
"Kakausapin mo talaga iyon?" pigil sa akin ni Hera. "He's a jerk!" sabi niya pa. Hindi na ako nagulat sa paalala niya. Maybe she knows Zelus? Madalas silang tambay sa CEAFA kaya naman hindi na ako magugulat kung kilala nila ang apat na ito. They are all good looking! At ito lang naman ang dahilan kung bakit sila naglalagi roon! Naghahanap ng pogi!
"Bakit naman kasi picture ni Zelus 'yong nilagay mo dun? At ano? Naka-in a relationship pa sila?" baling niya kay Vixie.
Alanganin na natawa ito sabay paypay sa kanyang mukha, "Sorry na guys! Akala ko kasi hindi niya mapapansin! Nakalagay kasi sa profile niya, active 3 months ago pa eh!"
Sabay kaming napailing ni Hera.
"Okay lang, Vix! It's not your fault!" sabi ko bago sila iniwan d'on at sinundan si Zelus. Madali lang naman na solusyonan ito.
Paglabas ko ng cafeteria, nakita ko siyang nakasandal sa may railings at nakahalukipkip. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi at parang may iniisip. Lalapit na sana ako sa kanya pero biglang humarang sa akin 'yong isa sa mga Professor ko sa business statistics.
"Adah, pwede mo bang kolektahin 'yong pina-take home test ko sa inyo? Pakidala sa office ko within 20 minutes." Bilin niya at napa-oo na lang ako. Shit! Saan ko naman pupuntahan ang mga kaklase ko?! Free time namin ngayon at mamaya pa ulit after lunch ang sunod naming klase! Pambihira! Baka umuwi na iyong iba!
![](https://img.wattpad.com/cover/225384515-288-k803360.jpg)
BINABASA MO ANG
Whirlwind Romance (Philautia Series #1)
RomansaAdah Serene Valderama is living her best life. She has her friends and loved by many. She thought her life is filled with so much peace. Oh, how wrong she was... Because one day, her world completely turned upside down. © 2020 Inzaynderella. Al...