17

5.5K 133 73
                                    

Chapter 17: Black


Today is Saturday!

This is it! I'm finally meeting Zelus' parents! Hindi ko alam kung ipapapasalamat ko ba na wala sina Mommy at Daddy dahil walang magiging problema ang pag-alis ko. Magpapaalam na lang ako kay 'Nay Fely na may pupuntahan.

Hinagilap ko ang cellphone ko at muling tsineck ang Skype para makita kung nagreply na ba si Kuya Ax. Minessage ko siya kagabi. I want to talk to him. Mas gusto ko pa yata na siya muna ang pagsabihan ng tungkol sa amin ni Zelus.

Kung totoo ang sinabi ni Kiefer kahapon, Kuya will probably be mad pero maiintindihan naman niya siguro ako.

Dismayado ako nang makitang kahit seen ay wala! Pero nakalagay naman sa account niya ay active 5 hours ago. Ibig sabihin hindi niya talaga binasa! I wonder kung ano bang pinagkakaabalahan niya talaga roon. Masters ba o baka may babae na! I don't really mind if he'll get a girlfriend. He's of age. Pero knowing Kuya, I don't think he's ready for a new relationship yet. Hindi pa 'yon nakakamove-on sa ex niya na niloko siya.

Bumuntong hininga ako at wala sa sariling bumangon. Wala na talagang atrasan 'to. It's now or never!

Lumapit ako sa aking walk-in closet at pinasadahan ang mga nakahanger na damit. Actually, kagabi pa naman nakahanda ang susuotin ko pero hindi ako mapakali.

Isang sulyap sa wallclock at nakitang halos 10AM na!

"Oh shit!"

Kailangan ko ng magready! Dali-dali akong pumasok sa bathroom at ginawa ang dapat gawin. Tumagal ako ng isa't kalahating oras sa pag-aayos.

Nakailang ikot ako sa salamin bago nagpasyang umalis na. Kagaya ng dati ay sa labas ulit kami ng subdivision nagkita. Zelus is already there nang makarating kami. Si Kuya Luis naman ay kinausap ko ng sa mall na muna magpunta. Ang mga bodyguard na kinuha ni Kuya ay wala ulit. Hindi ko sinabi na aalis ako kaya hindi sila nakabuntot. Isa pa, sa school lang naman talaga nila ako binabantayan, dahil sa bahay ay marami na kaming bodyguards.

Ipinagbukas ako ni Zelus ng pinto. Nang makasakay ako ay marahan niyang isinara iyon at pagkatapos ay lumapit sa sasakyan namin. Kinatok niya ang bintana ni Kuya Luis at may sinabi. Napangiti ako. He's always like that. Nagpapaalam at sinasabi ang plano namin para hindi mag-alala si Kuya Luis.

Nang makasakay siya ay sinulyapan niya ako.

"You okay?" Nagtatakang tanong niya sa akin at siya ng nagkabit ng aking seatbelt nang mapansin na hindi ko makabit iyon dahil sa nanginginig na kamay.

"Kinakabahan ako!" Hindi ko napigilang bulaslas. Huminga ako ng malalim at eksaheradang tinignan siya.

Natatawa naman siya sa akin.

"Bakit? It's just my parents," naiiling na sabi niya bago inistart ang engine ng sasakyan.

"Iyon na nga eh, magulang mo iyon at hindi basta kung sino lang. Iba 'to!"  nakangusong sabi ko.

Hindi talaga ako mapakali. Paano kung hindi ako magustuhan ng Papa niya? Sinipat ko ang damit ko at ang sling bag na dala.

I am wearing a Bottega Veneta Dress, curve sandals from the same brand partnered with black Chanel trendy bag. Paano na lang kung isipin nila na spoiled brat ako?! Oh my gosh! Magpalit kaya ako?

Nilingon ko si Zelus at pansin ko ang panaka-nakang sulyap niya sa akin. Bahagyang nakakunot ang noo.

"Zelus... balik kaya tayo sa subdivision?" wala sa sariling sabi ko. Bahagya niya akong sinulyapan.

Whirlwind Romance (Philautia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon