Chapter 05: Tagged
"Hey, Serene..." wala na akong nagawa kundi ang lingunin si Zelus. He said my name in a way that I have no other choice than to follow him. Ano pa nga bang inaarte-arte ko? Ginusto ko 'to 'di ba?
Sumenyas siya na maupo ako kaya naman lumapit ako sa upuang nasa tabi ng kama niya. Tumikhim ako bago naupo. Daig ko pa ang batang inutusan ng istriktang nanay! Alam niyo 'yon? Iyong feeling na kapag 'di ka agad sumunod, sesermonan ka? Ganoon madalas sa amin si Mommy, pero ang ending si Kuya Ax parin ang mas masasabon.
Bahagya kong pinakiramdaman ang dibdib ko. Shit! My heart won't just calm! Para akong aatakihin sa sobrang kaba!
There was a loud silence between us. Parang iyong tibok nga lang ng puso ko ang naririnig ko. Ewan ko ba kung bakit ganito? Lagi akong kabado kapag nandiyan si Zelus sa paligid. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong kumalma!
I mentally rolled my eyes.
Fine! Pumunta ako dito para i-check siya at para magsorry. I'll say my words at aalis din agad.
"I'm sorry," nanlaki ang mata ko nang magsalita siya.
Nagpakurap-kurap din ako. Teka, bakit siya nagso-sorry?
"Ano ka ba? Ako dapat 'yong mag-sorry," nakayukong sabi ko. "Sorry talaga ha. Kasalanan ko na naman."
I am so guilty. Pakiramdam ko talaga kamalasan lang ang dala ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya naman saglit akong natigilan.
Wait?! Tawa?! Tumawa siya?!
Mabilis kong tinignan si Zelus at nagtama ang nga tingin namin. Amusement is evident in his eyes.
"I ate it intentionally."
Ha? Ano daw? Medyo mahina ang signal sa utak ko kaya hindi ko agad nagets.
"Eh?!" hindi makapaniwalang sigaw ko nang marealize na iyong sinabi niya.
Natawa siya sa reaksyon ko.
Sinong baliw ang gagawa n'on? Allergy din ako sa peanuts pero hindi ko tatangkain na kumain nun kahit kailan! Baka ikamatay ko pa kapag ginawa ko 'yon 'no! Pero itong si Zelus...
Napasapo na lang ako sa noo ko. Baliw ba siya?
"Iyong relationship status, na-delete mo na ba?" biglang tanong niya.
"Yes," sagot ko naman at tumango siya. Kakadelete ko lang noon kanina. Nagset pa ako ng reminder para 'di ko makalimutan!
"Iyong stalker, ginugulo ka pa?" Tanong niya ulit. Bahagya akong nagulat doon. Uh right! Narinig niya siguro kahapon habang nag-eexplain ako sa coach niya.
Nag-iwas ako ng tingin at tumango. "Nablock ko na 'yong number niya pero may bago na ulit siyang number."
"Taga san ba 'yon? Bakit 'di ka magsumbong sa parents mo? I'm sure, they can do something about it." Suhestyon niya.
"Hindi pwede. Baka bumalik ako sa pagiging homeschooled kapag nalaman nila."
Tinignan ko siya at kita ko ang bahagyang panlalaki ng mata niya. Ibinuka niya ang bibig at may sasabihin sana nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang ginang. I bet she's in her late forties? Wearing a navy blue sleeveless jumpsuit, she gracefully made her way to Zelus'.
"Anak! What happened?!" nag-aalalang sabi nito. Nakashades at may balabal din na suot sa ulo at kasunod niya ay isang babae rin na may dalang mga papel. Assistant niya yata.

BINABASA MO ANG
Whirlwind Romance (Philautia Series #1)
RomanceAdah Serene Valderama is living her best life. She has her friends and loved by many. She thought her life is filled with so much peace. Oh, how wrong she was... Because one day, her world completely turned upside down. © 2020 Inzaynderella. Al...