Chapter 03: Marupok
NAKASIMANGOT si Zelus nang matanaw ko siya habang nakasandal sa may railings ng hagdan papasok sa gymnasium. Kunot na kunot ang noo niya habang nakahalukipkip. Badtrip siguro siya dahil 20 minutes na akong late!
Nang lingunin niya ang gawi ko ay patakbo na akong lumapit sa kanya. Nakakahiya! Tinanghali kasi ako ng gising dahil wala naman akong klase ngayong umaga. Isa lang ang subject ko at mamaya pa iyong 2 o'clock.
"You're late," masungit na sabi niya nang makalapit ako. Shit! Here comes my irregular heartbeat again!
"Sorry! Tinanghali ako ng gising!" I smiled sweetly pero lalo yata siyang nabadtrip dahil sinamaan niya ako ng tingin. Tumikhim ako at sinipat ang gymnasium. Grabe! Pahiya ako roon!
"Forget it. Magpaliwanag ka kay Coach. Sabihin mo hindi totoo 'yong relationship status," aniya at doon ko lang napansin ang suot niya. He's wearing a basketball uniform!
"Wow! Basketball player ka pala!" I stated the obvious at tinaasan niya lang ako ng kilay. Napanguso ako. Ang sungit talaga!
"Tangina p're! So, totoo nga?" sabay kaming napalingon sa nagsalita. Kagaya ni Zelus nakasuot din ang lalaki ng jersey. "H-Hello Adah! K-Kamusta?" medyo nauutal nitong baling sa akin. Nginitian ko siya. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung bakit alam niya ang pangalan ko. Ilalahad ko na sana ang kamay ko para makipagkamay pero nagsalita si Zelus,
"Shut up, Timothy. Tumakbo ka doon sa loob. 3 laps," supladong singit niya. Ewan ko ba pero habang nagsusuplado siya, pumopogi talaga siya lalo!
"Joke lang yon Captain! Huwag kang ganyan!" Maktol ni Timothy pero tinalikudan siya ni Zelus at sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. I apologetically smiled at Timothy. Madrama naman siyang humawak sa kanyang dibdib. Iyong parang na-heart attack.
"Are you okay?" Tanong ko dito at bigla siyang namula. Medyo nataranta ako. Oh my gosh! What did I do?!
"Grabe talaga..." aniya na hindi makatingin sa akin ng diretso. Nakahawak parin siya sa kanyang dibdib. Ano bang nangyayari? Masakit ba 'yon?
"Ayos ka lang Timothy?" Tanong ko parin. Nag-aalala na ako! Does he need medical assistance?
Sisipatin ko sana ang noo niya pero nabitin lang sa ere dahil may humawak sa palapulsuhan ko. Nang tignan ko ang may-ari ng kamay ay ang kunot-noong si Zelus ang nakita ko.
"What are you doing?" Tanong niya.
Napatingin ako kay Timothy na ngayon ay mas mapula pa sa kamatis ang mukha.
"Are you okay?" Tanong ko ulit at hindi pinansin si Zelus. "May masakit ba sa'yo?" dagdag ko pa.
"A-Ah... a-ayos lang ako Adah! Ayos lang!" natatarantang sabi niya at tatakbo nang umalis sa harap namin. Napakunot ang noo ko.
Weird.
Tinignan ko si Zelus na ngayon ay matiim na nakatitig sa akin.
"I think, he hurt his chest," wala sa sariling sabi ko. Pinatutungkulan ang kanyang teammate. Umiling siya at tumalikod sa akin. Napanguso ako ulit at sinundan na lamang siya.
Pumasok kami sa basketball court at pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay sumalubong na agad sa akin ang ingay ng mga bola na tumatama sa rim at sapatos na kumikiskis sa sahig.
Pansin ko ang pagtigil at ang nakakalokong tingin nila ng matanaw kami ni Zelus na magkasama.
"Yes naman, captain!" Sigaw noong isa at nagsunod-sunod na.
BINABASA MO ANG
Whirlwind Romance (Philautia Series #1)
عاطفيةAdah Serene Valderama is living her best life. She has her friends and loved by many. She thought her life is filled with so much peace. Oh, how wrong she was... Because one day, her world completely turned upside down. © 2020 Inzaynderella. Al...