Chapter 01: Is It You?
"Nasaan na 'yong mga 'yon?" Pagkausap ko sa sarili ko bago iginala ang paningin dito sa classroom. My bestfriends, Hera and Vixie are still nowhere to be found.
Malapit ng magsimula ang klase at wala pa sila! Hindi naman sila nalelate ng ganito kaya naman talagang nakapagtataka.
"Adah, nagawa mo ba 'yong actitivity natin sa Principles of Marketing?" nilingon ko si Maggie, isa sa mga classmates ko. Ngumiti ako bago iniabot sa kanya ang notebook ko. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena tuwing umaga.
"The best ka talaga!" napailing na lang ako. Hay nako. Malamang, pumarty na naman ang babaeng 'yon kaya di nakagawa ng homework.
"Adah, iyong take-home test sa Business Statistics, meron ka na?" walang imik kong inabot kay Andrew ang test paper ko at malaki ang ngisi niya nang tinanggap iyon. "Thank you Adah!"
Wala pang ilang minuto ay nandoon na sa kanya iyong iba naming kaklase at kumokopya na rin.
"Hay nako Adah kapag nahuli sila, ikaw talaga ang malalagot." Napangiti ako nang makita na si Hera. Kararating niya lang. Tuwing umaga, imbes na batiin ako, 'yan palagi ang bungad niya sa'kin.
"Good morning too, 'Ra," sarkastikong sabi ko atsaka siya pabirong inirapan.
"Hayaan mo na Hera, alam mo naman na santa 'yang si Adah. Mamaya nga papagawan ko na 'yan ng statue 'don sa may front gate!" Si Vixie naman iyon habang ibinababa ang kanyang bag. Kahit na sanay na sa patutsyada ng dalawa ay natatawa parin ako.
"Ang KJ niyo. Hayaan niyo na, minsan lang naman," depensa ko sa kanila at inagaw ang portable fan ni Vixie at itinutok sa akin. Hay, how refreshing.
"Sus! Minsan daw! Eh inaraw-araw ka na nga. Alam mo Adah, you can't always be nice. That's how people take advantage of you." Si Vixie ulit na para bang nananawa na sa ganitong eksena. Among my friends, she's the most independent and most tackless.
"Hayaan mo na," hirit ko dahil wala na rin naman akong magagawa. Kumokopya na sila.
"Oh well, may perks din naman 'yon. Prinsesa ka nila." Natatawang sabi ni Hera kaya napailing ako. Never akong umarte na mas angat sa kanila dahil lang pinapakopya ko sila. Masaya na akong nakakatulong sa kanila sa aming mga activities.
"That's not true! They are just being nice kasi I'm nice with them." Katwiran ko.
"Whatever, girl. Anyway, kanina pa nagba-vibrate 'yang cellphone mo. 'Di mo ba sasagutin?" tanong ni Vixie habang inginunguso ang cellphone ko. Kung may chance lang ako, baka naitapon ko na ang cellphone na iyan. Naiirita ako sa maya't-mayang pagba-vibrate!
"That's not a call," iritadong sabi ko bago hinilot ang aking sentido. Naiistress ako! Ilang araw na akong hindi mapakali dahil sa mga text na natatanggap ko.
Imbes na magtanong pa, kinuha ni Hera ang cellphone ko atsaka tinignan. Kitang-kita ko ang pag-iiba ng ekspresyon niya habang nagsaswipe doon.
"Oh my Gosh!" nabitawan niya iyon at gulat namang napatingin si Vixie.
"Why? What happened?" tanong niya rin. Kinuha niya ang cellphone ko at nang makita ang screen ay natigilan siya. Gulat siyang tumingin sa akin.
"What the heck, Adah?" Sabay na sabi nilang dalawa.
"You should block him! That's not normal anymore! He's obsessed!" Eksaheradang angal ni Vixie. Hindi ko naman sila masisisi. There is this guy, na may gusto sa'kin. Noong una wala namang problema pero nitong mga nakaraan, ang weird lang. Palagi siyang nagtetext simula umaga hanggang gabi. Ini-inform niya ako ng mga ginagawa niya at minsan kapag kumakain ako sa labas or nasa mall, magsesend naman siya ng mga stolen pictures ko. Natatakot na nga ako pero hindi ko naman alam ang gagawin. Ito ang unang beses na nakaranas ako ng ganito.
![](https://img.wattpad.com/cover/225384515-288-k803360.jpg)
BINABASA MO ANG
Whirlwind Romance (Philautia Series #1)
RomantizmAdah Serene Valderama is living her best life. She has her friends and loved by many. She thought her life is filled with so much peace. Oh, how wrong she was... Because one day, her world completely turned upside down. © 2020 Inzaynderella. Al...