31

6.9K 167 63
                                    

Chapter 31: Off


Diretso ang pasok ko sa elevator at halos manginig ang kamay ko habang pinipindot ang button pababa. Saglit kong pinakiramdaman ang dibdib ko at marahas na bumuntong hininga. I really really hate how Zelus affects me. Iyong pakiramdam ko noon kapag nandiyan siya sa paligid ay para bang unti-unting bumabalik ngayon.

Hindi pwede iyon!

After what happened between our families, hindi na dapat namin ulitin ang nangyari noon. Our relationship before was a mistake. It was just a one-sided love and of course, Zelus is just all about revenge. No feelings attached. Ako lang ang nahulog. Ako lang ang nagkagusto. Ako lang 'yon.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang inaasta niya sa akin ngayon? He's really acting weird! Did he really forget what happened? Nagka-amnesia ba siya? At bakit niya ako tatanungin kung nagustuhan ko ba ang mall na itinayo niya? Wala namang kinalaman iyon sa akin so why would he freaking asked my opinion about it?

"Your opinion will always matter Serene especially when it comes to me. Please remember that."

Muli na namang umalingangaw iyon sa pandinig ko. Nakakainis dahil sa tuwing maalala ko ang itsura niya nang sabihin iyon ay nanlalambot ako. And I, therefore, conclude that he's really messing with my feelings! That arrogant looking jerk!

Bumukas ang gates sa elevator at halos malaglag ang puso ko nang makita kung sino naman ang nakatayo sa labas at papasok dito sa loob. Umawang ang labi ko at maging ang gulat sa aking mata ay hindi ko rin maitago. Naramdaman ko agad ang panlalamig sa buong katawan ko lalo na nang magtama ang mga tingin namin ni Tita Eve. She look shock too! Napansin ko iyon dahil sa agarang paghawak niya sa kanyang dibdib! Sa tabi niya ay si Mr. Zachary Tallano!

Nangatog ang mga binti ko at may kung anong umikot sa may tiyan ko. I feel sick. Hindi ko malaman ang gagawin. Halos matuod ako sa kinatatayuan ko. Mr. Zachary looks so serious samantalang si Tita Eve naman ay gulantang pa rin habang pinapanood ako.

Napalunok ako. Nag-iwas ako ng tingin at tumabi para makapasok sila. Tumikhim si Mr. Tallano at ramdam ko pa rin ang paninitig sa akin ni Tita Eve! Sa bawat hakbang nila, pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa sobrang kaba.

Siniksik ko ang sarili ko sa gilid. Napakagat ako sa aking labi at halos magdilim ang paningin ko habang pinapanood na muling sumara ang gates. Hindi ako makahinga nang maayos. Nakatayo si Tita Eve sa gilid ko. May distansya naman pero pakiramdam ko ay magkadikit kaming dalawa! Ang maluwag na espasyo dito kanina ay para bang lumiit ngayon dahil sa presensya nila. Sa bawat segundo na lumilipas lalong tumitindi ang bilis ng tibok ng puso ko.

Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone. Should I greet them? Would it be rude? Paano ba ako aakto sa harap nila? Kung babati ako, baka isipin nila na ang kapal naman ng mukha ko na kausapin sila. Isa pa, baka iyon na ang tingin nila sa akin ngayon? Dahil tinanggap ko ang project na 'to, matapos ang nangyari sa mga pamilya namin! Pero kung hindi ko naman sila papansinin, hindi ba't mas bastos iyon? They own this place after all! Isn't it right to acknowledge their presence?

Muli akong napalunok at tumingin sa sandals ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Bumukas ang gates at nakitang nasa basement parking na kami. Awtomatik na nagkatinginan kami ni Tita Eve. She looks like she's about to say something kaya naman mas lalo akong nagpanic! Sa takot na marinig ang sasabihin niya ay nauna na akong humakbang paabante.

"Uh... e, m-mauuna na po ako. Excuse me." Natatarantang sinabi ko at mabilis na umalis doon.

Gamit ang nanginginig na kamay ay idinayal ko agad ang number ni Jack. Gusto ko nang umalis dito ngayon din!

Whirlwind Romance (Philautia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon