Chapter 25: Offer
Gulantang pa rin ako habang pinapanood si Darius na kumakain ng burger. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin na nandito siya. Nagmamadali kaming umalis kanina sa show dahil pinagkaguluhan kami ng media. Sa text ko na nga lang nasabihan si Dizzy na hindi na ako pupunta ng after party dahil nga sa nangyari.
Sa sobrang gulat ko pagkakita kay Darius kanina ay nayakap ko siya. Nakalimutan ko na may mga reporter nga pala roon kaya ayun! May dala pa siyang bulaklak kaya naman umugong ang balitang boyfriend ko siya! Sa sobrang bilis, maging iyong ilang pictures ni Darius sa mga nakaraan kong show ay nahalungkat nila.
Doon ko lang napagtanto na halos buwan-buwan pala siya na bumibisita sa akin! Sumingkit ang mga mata ko habang nakatingin pa rin dito. He wiggled his eyebrows at ngumisi sa akin. I was about to say something nang magsalita si Emma.
"Ruby will release a statement later. Don't worry. Sa ngayon, magpahinga ka na," aniya at tumango na lang ako. Hindi naman ako nag-aalala. Alam ko naman na mamatay din ang issue na 'yan.
Binalingan niya si Darius. "I think it will be good if you'll stay here tonight. May ilan pang reporter sa labas. Baka pagkaguluhan ka."
Tumingin sa akin si Darius at hinintay ang reaksyon ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"No, it's okay. I can manage them," tanggi niya.
"Pero-"
"He'll stay here Emma. Ako na ang bahala," singit ko at kitang-kita ko ang pag-awang ng labi ni Darius. Nagulat siguro dahil hinayaan ko siyang dito na muna matulog. Delikado na kasi kung hahayaan ko siyang umalis. Some of the paparazzi here are scary. Naranasan ko noon na halos natutulog na sa labas ng aking bahay iyong iba para lang makakuha ng scoop. Hindi ko lang alam kung anong nangyari at medyo dumistansya sila ngayon.
"Good! Mas mabuti iyan at hindi tayo mag-aalala na baka may mangyari sa kanya."
Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Emma na aalis samantalang si Olivia naman, kanina pa nakauwi. Naiwan kaming dalawa rito ni Darius. Nasa pagkain ang atensyon niya at hindi tumitingin sa akin. Halatang umiiwas!
"Let's talk," pagkuha ko sa atensyon niya. Nag-angat siya ng ulo at inosente akong tinignan.
"You should've come to the after party! Ayos lang naman ako rito," aniya habang sumisipsip na sa coke niya. Ang bilis inilihis ang topic!
"Nah, hindi naman talaga ako pupunta roon. Pero bakit nga nandito ka? Hindi ka ba busy?" tanong ko na naman. Sa totoo niyan kanina ko pa 'yan pinipilit na magsabi.
"Ang kulit!" Napakamot siya sa batok niya. "I told you, may meeting ako at naisipin kong dumaan dito."
I made a face.
"I'm not buying that! Ang layo naman ng meeting mo at dito pa sa London! Noong nakaraan na nagkita tayo sa Paris, ang sabi mo sa'kin may binili ka lang tapos ngayon meeting? Try harder, Darius!" naiiling na sabi ko.
Umirap naman siya.
"Bahala ka. Totoo naman,"
Natawa ako. "Sinong ka meeting mo kung ganoon? Ask 'him' to meet you up so I can check!"
Namilog ang mata niya.
"H-Huh? Busy iyong tao! N-Nakaalis na!" Hindi siya makatingin sa akin
"Really? Agad-agad? O baka wala naman talaga?" Pamimilit ko.
"M-Meron!"
"See! Nagsstutter ka so, wala talaga!"
"Tss! Ang kulit mo rin e!"
BINABASA MO ANG
Whirlwind Romance (Philautia Series #1)
Любовные романыAdah Serene Valderama is living her best life. She has her friends and loved by many. She thought her life is filled with so much peace. Oh, how wrong she was... Because one day, her world completely turned upside down. © 2020 Inzaynderella. Al...