Chapter 36: In Love
Pagdating ko sa Basco Airport ay hinanap ko agad ang shuttle na sasakyan ko papunta sa hotel na tutuluyan.
Binuhay ko ang cellphone ko at hindi na nagulat nang sunod-sunod ang text na pumasok roon. It's from my friends. Marami ay galing kay Rafaela.
I ignored their messages at hinanap ang numero ng staff na katext ko kagabi. I dialed the number and after two rings, may sumagot din.
"Hello po, madam! Nandito po kami sa arrival hall. Terminal 2," sabi ng babae sa masiglang boses. Nag-thank you ako at nagsabing papunta na.
Luminga-linga ako at sumunod sa mga pasaherong kasabay ko sa flight. Nang makalabas, nakita ko ang isang dalagita na may hawak-hawak na pink banner. Nakalagay ang pangalan ng pamilyar na hotel na tutuluyan ko. Itinaas ko ng kaunti ang bucket hat na suot at nagkatinginan kami. Kitang-kita ko ang pamimilog ng mata niya at ang pag-awang ng labi.
May magkakaibigan na lumapit sa kanya at may sinabi pero nanatiling nasa akin ang mata niya. Nang makalapit ako sa gawi niya, nagpakurap-kurap siya at pinasadahan akong muli ng tingin.
Litong-lito ako lalo na noong itaas niya ang kamay at ituro ko. Napatakip din siya sa kanyang bibig.
"Oh my gosh! Oh my gosh! Mami!" She chanted. Naguguluhan na rin iyong iba kong kasama rito sa reaksyon niya.
"Uh..." Naitikom kong muli ang bibig ko nang paikot niya akong sinuri. Awkward akong nangiti sa grupo ng magkakaibigang malapit sa akin. Malamang ay roon din sila sa kapareho kong hotel.
Napaatras ako ng kaunti nang ilapit ng dalagita ang mukha niya sa akin para bumulong. Dahil mas matangkad ako sa kanya, kinailangan niya pang tumingkayad para maabot ako. Nang makitang nahihirapan siya, yumuko ako at kitang-kita ko ang paglapad ng ngisi niya.
"Oh my gosh! I'm... I'm a fan! Super fan mo ako mami!" bulong niya at siniguradong kami lang dalawa ang makakarinig ng sinasabi niya.
Mami?
Kahit naguguluhan ay hindi ko napigilan na mapangiti. The last time I checked my social media accounts, my fans trended multiple hashtags to show their support for me. They're just so loyal and supportive. Minsan nga, iniisip ko pa kung deserve ko ba talaga sila.
"What's your name?" I asked with a genuine smile. Hindi niya man nakikita dahil sa suot kong facemask, I made sure na umabot iyon sa mata ko.
Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Napapatalon din siya ng kaunti. She said her name is Amira, bunsong anak siya ng may-ari ng hotel. She's bubbly and loud at kung wala lang sigurong ibang tao rito ay naghisterikal na siya.
"Hindi ko ipagsasabi Mami." Pangako niya pa sa akin at nakahinga ako nang maluwag doon.
Tinipon niya kami. Iyong magkakaibigan na halong babae at lalaki lang at ako ang nakasunod sa kanya. Walo kami at nang makarating sa sasakyan ay lumapit agad sa akin si Amira. Puting van ang maghahatid sa amin.
"Doon ka po sa una, Mami—ay shuta! Miss Adah Serene. Mas kumportable roon," aniya sabay hila sa akin. Kinuha niya rin ang travelling bag na dala ko at siya na ang nagdala. Wala akong nagawa kundi magpatiuna sa kanya. Bumati ako sa driver at naupo. Tumabi naman sa akin si Amira.
"Kumpleto na po Kuya Andoy." Si Amira sabay sara ng pinto.
Habang nasa byahe ay titig na titig pa rin siya sa akin. Maya-maya pa ay binuksan niya ang bintana at sumigaw siya roon.
![](https://img.wattpad.com/cover/225384515-288-k803360.jpg)
BINABASA MO ANG
Whirlwind Romance (Philautia Series #1)
RomanceAdah Serene Valderama is living her best life. She has her friends and loved by many. She thought her life is filled with so much peace. Oh, how wrong she was... Because one day, her world completely turned upside down. © 2020 Inzaynderella. Al...