Chapter 12: As If
I couldn't get it off my mind! Hindi ako mapakali. Paulit-ulit kong naaalala ang text message na natanggap ko kanina.
Aiden isn't serious, right? He wouldn't dare!
Kung may mangyari sa akin, surely our family's will get involved! Hindi naman siguro ganoong kadesperado si Aiden na sirain ang pamilya niya, hindi ba? Pero paano kung totoo ang sinabi ni Kuya? Na pinalayas na si Aiden ng mga Ramirez? Si Zac ang nagsabi kaya imposibleng hindi iyon totoo!
Nasa bahay na ako ngayon dahil mabilis akong nagyaya kanina na umuwi. Ni hindi na ako nagpaalam kina Adam. I am too scared matapos mabasa ang mensaheng iyon. All I could think of is my safety! Alam ko naman na may mga bodyguard ako pero hindi parin ako mapapanatag.
Nakidnap na ako noon at ayoko ng mangyari ulit iyon. I was five years old when it happened. A syndicate kidnapped me and asked for a ransom money in exchange for my safety. Kahit matagal na ay sariwa pa iyon sa ala-ala ko. The trauma is still here, haunting me.
Inabot ko ang isang baso ng tubig at ininom iyon. Damn! Heto na naman ako sa pagiging paranoid. Huminga ako nang malalim. I need to calm down.
"Everything will be alright, Adah." I chanted.
Iniisip ko kung sasabihin ko ba ito sa mga kaibigan ko pero natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Kung totoong threat ito, hindi sila magdadalawang isip na magsabi sa mga magulang ko o di kaya ay sa mga pulis. That will make things worse. Baka madamay pa sila and I can't risk that! Hindi maari!
Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko. Pagdungaw ay agad akong nakahinga nang maluwag nang makitang si Zelus iyon.
"Hello?" bungad ko sa kanya.
"Hey... naabala ba kita?" napapaos niyang tanong.
Nitong mga nakaraan, hindi kami gaanong nakakapag-usap. He's very busy with his thesis and basketball. Ito na kasi ang huling taon niya na maglalaro sa varsity. Sa tuwing magkakasabay ang free time naming dalawa ay kumakain lang kami palagi.
"No, not at all," sagot ko at bahagyang nahiga sa kama ko. Ngayon, hindi lang pala ang mga kaibigan ko ang dapat kong alalahanin. If Aiden is serious... there is a chance that he'll target Zelus too.
He acknowledged Zelus as my boyfriend. Noon pa lang sa pagkaka-tag ko dito. Paniguradong kung mayroon man siyang pagdududa noong una ay nawala iyon noong sumaklolo sa akin si Zelus sa mall. At isa pa, we trended sa Cu-Up, noong magpost si Zelus ng kanyang relationship status. Hindi man niya alam na fake boyfriend ko lang si Zelus, hindi ko parin pwedeng ialis na maaring puntiryahin niya rin ito.
Umiling-iling ako. Damn! I shouldn't overthink. Mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko. Huminga ako nang malalim.
Relax Adah. Think of happy thoughts.
"I'm sorry. I've been very busy these days."
Parang spell ang sinabing iyon ni Zelus dahil napangiti ako. Agad na nakalimutan ang inaalala kanina.
"It's okay. Graduating ka na so I understand," sinserang sabi ko. Nagtetext naman kami kaya walang problema kung hindi man magkita. I can't imagine myself kapag naging 4th year na ako. For sure, ganoon din ako kabusy.
He chuckled.
"Are you always this nice and understanding?" banayad na tanong niya. "If you keep this up, hindi ko na alam ang gagawin ko..."
Napakunot ang noo ko. Hindi nakuha ang ibig niyang sabihin.
"My... my... I am falling real hard," daggdag niya pa.

BINABASA MO ANG
Whirlwind Romance (Philautia Series #1)
RomansaAdah Serene Valderama is living her best life. She has her friends and loved by many. She thought her life is filled with so much peace. Oh, how wrong she was... Because one day, her world completely turned upside down. © 2020 Inzaynderella. Al...