Chapter 34: Lost
They say everything happens for a reason. Be it good or bad, it has its purpose. The same thing with people we met in our life.
Naniniwala rin ako roon. Iyon ang palaging sinasabi ko sa sarili ko. Na lahat ng nangyayari sa akin may dahilan. Pero ngayon... habang tinitignan ko si Mommy, hindi ko magawang sabihin iyon sa sarili ko. Para bang lahat ng logic nawala na sa akin.
Looking back, when I was a kid. I always looked up to my Mother. Kapag nakikita ko siya, palagi kong sinasabi na gusto kong maging kagaya niya. For me, she's like the sun.. full of radiance and bursting with rays. She is the only sun I can touch and hold without getting burnt. I treasure her so much kaya naman noong malaman ko ang affair, nasaktan ako ng sobra.
I hated her. I hated her for leaving us without explaining her side. I hated her for hiding. Pero kahit anong galit namin sa kanya, it doesn't change the fact that she's our mother. Kaya nga kahit ilang beses kaming nabigo sa paghahanap sa kanya ay hindi kami tumigil at sumuko.
For the last five years, there are lot of times that I dreamed of this. Ilang beses kong inisip kung paano ako magre-react kapag nakita ko siya. I have a lot of scenarios on my mind. Things like meeting her accidentally while I'm on shoot... O 'di kaya ay sa mall while I shopped. Seeing her again inside this hospital was never an option. Ni hindi iyon sumagi sa isip ko kahit isang beses.
"A-Adah..." Si Lola na nanginginig ang boses. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila hanggang sa bumalik ang tingin ko kay Mommy at sa mga aparatong nakakabit sa kanya.
Parang may sumuntok sa akin habang tinitignan siyang mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong umatras. Nanginginig ang kamay ko nang itakip iyon sa bibig ko. Natatakot na makagawa ng ingay at magising si Mommy. Slowly, I made my way out of the room.
Diretso ang lakad ko hindi alintana ang mga nakakasalubong. I couldn't think of something else. Tila nablangko ang isip ko at ang tanging gusto ko lang ay makaalis doon. Sa bawat hakbang ko, nagdadasal ako na sana bangungot lang ang lahat ng ito. Na kapag nagising ako, babalik sa normal ang lahat. Iyong dating kami.
Kumpleto. Buo. Hindi man palaging nagkakasama, maayos kami. I would trade anything just so we could go back. Kahit ano. Maibalik lang ang dati...
But that isn't how life goes right? Kahit ilang beses akong magmakaawa kung ito ang binigay Niya wala akong magagawa.
I helplessly search for air. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa halu-halong emosyon. Isang liko sa madilim na pasilyo at may nakita akong pinto. Desperadong binuksan ko iyon at sumalubong agad sa akin ang hampas ng hangin. Madilim ang kalangitan at tila nagbabadya ang ulan.
Dahan-dahan akong napaupo habang hawak-hawak ang naninikip kong dibdib. Tears started to fall heavily and I feel like my world is falling apart.
Just the other day, I found out my father's affair. This morning, Darius was stripped from his position because of our cancelled engagement and now.. after five years... I finally got the chance to be with my mother.. only to found out that she's sick.
Wala akong magawa. I cried harder nang maalala ko na naman ang hitsura niya nang makita ko siya kanina. Namumutla at mukhang hinang-hina. Sa rami ng aparatong nakakabit sa kanya, alam ko na agad na hindi maganda ang kondisyon niya.
Saglit akong natigilan nang marinig ang pagbukas ng pinto at ang pagsara nito. Yumuko ako para itago ang mukha ko. Hindi ko alam pero ayaw kong may makakita sa akin sa ganitong sitwasyon. Natatakot ako.
Naramdaman kong palapit sa akin ang yabag ng bagong dating kaya naman napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak ko.
Tumigil ang yabag sa may gilid ko at maya-maya pa ay nakulong ako sa bisig ng kung sino. Judging from his perfume, alam ko na agad na si Zelus iyon. Mas lalong bumuhos ang luha ko. May kung ano sa akin ang saglit na kumalma. I feel relieved that it's him.
![](https://img.wattpad.com/cover/225384515-288-k803360.jpg)
BINABASA MO ANG
Whirlwind Romance (Philautia Series #1)
RomanceAdah Serene Valderama is living her best life. She has her friends and loved by many. She thought her life is filled with so much peace. Oh, how wrong she was... Because one day, her world completely turned upside down. © 2020 Inzaynderella. Al...