Nagulat ako nang nakita ko nalang ang sarili kong nakahiga sa kama at naka-pajama.
Paano ako nakarating dito?
Bigla akong napa-upo ng marinig ko na may nagtext sakin.
From: Paulo
Hey, good morning. Sorry, i didn't wake you up last night so i just go straight into your room.Napapikit ako ng mata dahil sa kahihiyan. Ang bigat ko, at isa pa, yung kwarto ko! Ang kalat!
Napatingin ulit ako sa cellphone ko nang makita ko ulit siya magtext
From: Paulo
You should rest first, sa Monday na natin ituloy yung lyrics.To: Paulo
Hala, sorry talaga Paulo. Babawi nalang ako sayo.From: Paulo
No, it's fine.Paulo tried waking her up, pero 'di siya magising gising. Walang nagawa si Paulo kundi magdoorbell sa bahay nila Kath.
Pagkadoorbell niya, ay gulat na sinalubong ng mama ni Kath si Paulo.
"Ah, ihahatid ko lang po sana sa kwarto si Kathlene, pagod po kasi."
"Ah sige hijo, ipakita ko nalang ang kwarto niya."
Agad agad na binuhat ni Paulo si Kath papunta sa kwarto nya. Inaamin ni Paulo na medyo mabigat si Kath pero nakayanan niya.
Tinitigan niya ito ng matagal at inalis ang buhok sa mukha para makita lalo ang kanyang mukha.
Napatayo nalang siya ng makita niya ang mama ni Kath sa pintuan.
"Anong pangalan mo, Hijo?"
"Paulo po. John Paulo Nase."
"Salamat sa pagdala sa anak ko dito ha? Gusto mo ba munang magmiryenda bago ka umalis?"
"I'm fine po, thank you."
Bago umalis si Paulo ay tinignan niya ulit ng isang beses si Kath atsaka bumalik sa kanyang sasakyan.
Agad kong binaba ang cellphone ko at bumaba para kumain, buti nalang at hapon ang klase ko every Saturday.
Habang nagpapabango ako, bigla ko narinig na may nagdoorbell. For sure, si Justin na yun.
Agad agad akong bumaba at hinalikan si mama at sinalubong ako ni Justin.
"Kamusta yung assignment nyo kahapon?" Tanong ni Justin.
"Ayos lang, medyo nakakapagod. Pero nakakawala ng pagod kasi may kasama naman akong pogi." Sabay tawa.
"Ah. Ganun ba?" Sabay napakamot si Justin sa anit niya.
Hindi na kami nakapagsalita nang maihatid na kami ng kuya niya sa loob ng school.
Habang naglalakad kami papunta sa room, biglang nagsalita si Justin.
"Kath, nga pala iniimbita ka ni mama mamayang gabi sa bahay. Pinagluto ka daw niya, tsaka nagpaalam na ako kay tita. Dun ka na magdinner, hatid ka nalang ni kuya sa bahay niyo mamaya."
"Ah, sige ba. Miss na miss ko na rin si tita eh."
Bumulong ng patago si Justin, nagtataka ako kung ano yun, pero 'di na ako nagtanong.
After class tsaka kami sinundo ni kuya Yani at dumiretso sa bahay nila, agad akong sinalubong ng mama nila Justin at niyakap ako.
"Kathlene! Hija, namiss kita. Buti pumayag ang mama mo na dito ka magdinner."
BINABASA MO ANG
Ang Awitin (SB19 Sejun)
FanfictionMas pipiliin kong masaktan kaysa hindi nya makamit ang kanyang pangarap.