[1]

472 19 4
                                    

Pinatawag kami ng principal namin sa hall, for some announcements. Tsaka, bago na raw yung SG President namin.

I was looking for Justin pero andaming babaeng nakaharang sakin, pinag-uusapan ata nila yung bago naming President na gwapo raw.

"Besh, alam mo ba? Ang gwapo nung bago nating President omg!!"

"Oo nga! Sabi pa nila, sobrang talino pa daw oh my god!!"

Ang haharot! Kinusilapan ko atsaka tuluyang umalis. Nagulat ako nang nakaupo na si Justin malapit sa stage at may nakareserbang upuan katabi niya.

"Ang tagal mo naman Kath! Ito, nireserbahan kita ng upuan."

"'Di naman kasi ako aware na andito ka na, sana pinaalam mo sakin diba? Hanap ako ng hanap sayo eh!" Pagkukunyari kong nagtampo at naghalukipkip.

"Nagtatampo ka na niyan? Libre nalang kita ng lunch mamaya."

Biglang lumiwanag ang mata ko, "Sige. Pasalamat ka, marupok ako pagdating sa pagkain."

"Ah, akala ko sakin." At sabay kaming tumawa.

Lahat ng mga estudyante ay nakaupo na dahil magsisimula na ang program.

"We would like to announce our newly voted SG President, Mr. John Paulo Nase."

'Di ako nakinig dahil wala akong pake kung sino yung bago naming President, 'di ko nga narinig yung pangalan.

Napa-ayos nalang ako ng upo ng magkatitigan kami. So, siya pala yung pinag-uusapan ng mga babae kanina? Pogi nga naman, pero 'di ako maharot katulad nila.

"Hello everyone, thank you for welcoming me as your new President. I will do my best to serve you and the school."

Buong speech niya nakatingin lang ako sakanya, pinagmamasdan ang mga features niya. Paminsan minsan ay tumitingin sakin, pero wala namang ibig sabihin yun.

Pagkatapos ng program namin sa hall atsaka kami pumunta sa bulletin board para tignan kung saang club kami naka-assign. Music club.

We were told to go to our clubs para magkaroon ng meeting, ineexpect ko si Mr. President sa club ko, makikipagfriends lang ako hindi makikipagharutan. Pero pwede rin, char.

As i have walked inside the Music Room, halos occupied na lahat ng seats and mukhang ang natitirang upuan nalang ay yung katabi...

Si Mr. President?!

Dali-dali akong pumasok, iniisip na baka maunahan ako sa upuan na yun.

Lumapit ako sakanya at nagtanong, "Is this seat taken?"

Inangat niya ang ulo niya tsaka siya tumingin sakin, "No."

Umupo ako sa tabi niya, gustong gusto kausapin siya. Pero syempre, may hiya rin naman ako.

Napaupo lahat ng mga estudyante ng may pumasok na Prof.

"Hello Music Club, i'll be the one handling you, i'm Prof. Castillo. Sana marami kayong matutunan sakin."

Prof. Castillo is very genius when it comes to music. Nakakagawa pa siya ng own-composed song niya and ibinabahagi sa mga programs namin dito sa school, i look up to her as my role model.

"Pinili ko kayo dito sa Music Club because i know your passion in music, and i know 'di ako nagkamali." Sambit ni Prof.

"I'll be giving you your first assignment, eto, kung sino yung pinakanagustuhan kong kanta ay pasado na kaagad sakin sa next sem. Okay ba yun?"

Lahat ng mga estudyante ay naghiyawan at nagpalakpakan ng marinig ang sinabi ni Prof.

"I want you guys to create a song, all about break-up. Kayo bahala kung anong klaseng story ang ilalagay niyo sa kanta, but all i want is that is heartbreaking."

Ang Awitin (SB19 Sejun) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon