Please play No Longer by NCT 127 while reading this chapter, thank you.
"So, Kath. What are your plans after graudation, hija?"
Hindi ako makasagot, wala pa talaga sa isip ko yung mga gusto kong gawin after graduation. Lalo na't iniisip ko parin si Paulo.
"Uh, pa. W-wala pa po kasi eh." Kinakabahan kong sagot.
Ayokong madisappoint sakin yung parents ko. Natatakot talaga ako magsabi ng totoo, pero wala akong choice kundi sabihin na wala pa talaga akong plano.
"Prinepressure mo naman ang bata."
"No, i'm not. Tinatanong ko lang siya."
Pressured? I am. A lot. Only child lang ako at ayokong balang araw itaboy ako ng mga magulang ko, natatakot ako.
"Anak, why don't you come with me sa America? You told me before you want to work in my hospital. Dun ka magmed-school for 2 to 3 years, kung gusto mo? Then uwi ng Pilipinas?"
Ayoko sa America. Ayoko iwanan ang Pinas. Pero wala na 'kong choice, kailangan kong um-oo dahil wala pa talaga akong balak gawin after graduation.
Pero siguro, eto na rin yung paraan kung paano kalimutan si Paulo.
"Sure, pa."
Today is my graduation. I'm wearing a white floral dress, and nakatakong ako. And of course, who wouldn't forget about the toga?
Pagkababa ko ng sasakyan, ang pinakauna kong nakita ay si Paulo. Pero 'di ko nalang pinansin.
Tuloy-tuloy ang aking paglalakad patungo sa kinatatayuan ni Justin at nang kanyang pamilya.
As usual, our parents talked for a while. Antagal na rin kasi nila 'di nakikita ang isa't isa.
"So, grgraduate na tayo."
"Kath."
"Hmm?"
"Magpromise ka sakin."
"Na ano?"
"Pupunta ka sa shows ko at ng members."
"Oo naman, ako pa ba? Papalampasin yun? Nako hindi ah."
Napatingin kami nang magsalita ang isang Prof, "All graduating class, please fall in line. First are those who took English Degree. Please fall in line alphabetically."
While i was marching in the red carpet, i saw Paulo standing at the side. He was looking at me. Ramdam ko.
'Di ako nagdalawang isip na 'di siya tignan at tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko papunta sa aking upuan.
To be honest, 'di ako nakikinig sa speech ng President ng school. Ang nasa isip ko lang talaga is tapos na.
Nalulungkot ako na sobrang bilis ng college. Akala ko nung una, mahihirapan ako, maprpressure ako ng sobra. Pero, promise, ang saya. Ang saya saya.
I came back to my senses when everyone stood up. Kakanta na pala ng hymn.
('Di ko talaga alam kung hymn or school song ang kinakanta ng Benildeans, bear with me. Thanks. <3)
After singing our hymn, deretso awarding na. Nagkakabutterflies na sa stomach ko, ayoko pa matapos 'to.
Parang ang laki ng mawawala sakin. Kung pwede nga lang, college nalang ako forever.
"Nase, John Paulo Bagnas, Summa Cum Laude."
Nagulat ako nang tawagin ang pangalan ni Paulo. At Summa pa siya!?
BINABASA MO ANG
Ang Awitin (SB19 Sejun)
Fiksi PenggemarMas pipiliin kong masaktan kaysa hindi nya makamit ang kanyang pangarap.