Bigla kaming napa-upo ng maayos, at nararamdaman ko ang napaka-awkward na atmosphere.
"I'll take you home." Sabay ubo at tumayo upang ayusin ang kanyang mga gamit tsaka naglakad papalabas ng pintuan.
Hanggang ngayon napakabilis parin ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Pero nararamdaman kong nag-iinit ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.
Umupo ako sa shotgun seat at nagseatbelt, nang magdrive na siya hindi napigilan ang tahimik na pagitan saamin.
Bigla akong umayos ng upo ng bigla siyang magsalita, "Let's take a break tomorrow, i'll just pick you up by Wednesday."
"Ah, sige." Yun lang ang nasabi ko dahil nahihiya parin sa nangyari kanina.
Buong byahe ay tahimik. Nang makababa ako ng sasakyan, nagpasalamat ako sakanya, "T-thanks for the ri-" isasara ko na sana ang pinto ng sasakyan niya ng bigla siyang magsalita.
"About earlier, i'm sorry."
"H-ha? Nako o-okay lang. Hehe. Sige u-uwi ka na." Tsaka ko isinara ang pintuan ng sasakyan.
Hinintay niya muna ako makapasok sa loob ng bahay, pagka-akyat ko ng kwarto biglang may nagtext sakin.
From: Paulo
Goodnight, Kath.Nag-init lalo ang pisngi ko, bakit ba ganito? Parang tanga naman tong pisngi ko, wala naman ako sa arawan para mag-init.
To: Paulo
Hehe, ikaw rin Paulo! Goodnight.Kinabukasan ay excited akong bumaba ng magdoorbell si Justin, eh antagal na kasi naming 'di nagsasama kaya balak ko siyang ayain magmall.
Habang nasa sasakyan kami, nagsalita ako, "Jah, may gagawin ka ba ngayon?"
"Wala naman, bakit?"
"Tara, mall." Masayang sambit ko.
Nakita kong tumingin sa rear mirror si kuya Yani at nagsalita, "ihatid ko ba kayo? O commute na kayo?"
"Commute nalang kami kuya, sige sama ako."
'Di ako mapakali buong klase dahil antagal na naming 'di nagkakasama ni Justin. I feel bad because, 'di naman kami ganito before.
Kaya ngayon, babawi ako sa bestfriend ko.
Habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa bag, ay hinihintay ako ni Justin sa tapat ng whiteboard, nakapamulsa.
Napaisip ako, napakagwapo and napakabait ni Justin. Pero ba't 'di ko kayang gustuhin siya?
'Di ko kinalimutan ang mga sinabi ni kuya Yani simula nung gabing yun, at ayaw kong masaktan ang kaibigan ko.
"Hoy."
Bumalik nalang ako sa senses ko ng magsalita si Justin.
"Ah, t-tara na. Abang na tayo ng jeep sa labas." Sabay hila ko sakanya.
Nang makapasok kami sa jeep, siksikan ang mga tao sa loob. Buti nalang at lagi akong nakapants.
Ang nakakairita pa, may nagpipicture ata sakin na lalaki. Nakatapat ang camera saakin.
Bigla akong bumulong kay Justin, "Jah, may nagpipicture sakin ng patago."
Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko and inintertwine niya ang mga daliri nito.
Tahimik ang loob ng jeep, ang maririnig mo lang ay yung tambucho ng jeep. Lalo akong nagulat ng bigla siyang magsalita, "Sir, pakibaba po sana yung cellphone nyo? Halata po kasing kinukuhanan nyo ng litrato yung girlfriend ko."
BINABASA MO ANG
Ang Awitin (SB19 Sejun)
FanfictionMas pipiliin kong masaktan kaysa hindi nya makamit ang kanyang pangarap.