"Ha?" Nagtatakang tanong ko, ang ayos ayos ng tanong ko tapos magsasalita, pabulong.
Tumayo siya, "nothing, let's go home."
Wala akong nagawa kung hindi sumunod sakanya sa sasakyan niya.
Nang makarating kami sa bahay ko, nagpasalamat ako sakanya.
"Thank you, Paulo. You made me happy."
"An honor, Kath."
Isasara ko na dapat yung pintuan ng sasakyan niya ng bigla siyang nagsalita, "I won't be available for the next two days. I'll let you know when will i be free."
Tumango-tango ako at isinara ang pintuan ng sasakyan niya, pumasok ako sa loob ng bahay na nakangiti.
"Oh, anlaki ng ngiti mo ngayon anak ah?"
"Ah? 'Di naman po ma."
"Gusto ko siya."
"Po? Sino?" Nagtatakang tanong ko.
"Yun, si Paulo Nase. Gusto ko siya sayo."
Nagulat ako ng sinabi ni mama ang pangalan niya. Bigla ulit bumilis ang heartbeat ko.
Habang paakyat ako sa kwarto dun ko nalaman na,
Inlove na nga ako.
Pagkapasok ko sa kwarto ko tsaka ako tumalon sa kama ko at tumili. Minsan lang ako magkagusto sa isang lalaki. And today felt so special for me, ako palang ang naidala niya sa ganung lugar.
Habang naiisip ko ang mga yun lalo akong kinikilig, napatayo nalang ako sa kama ko para kunin ang cellphone ko nang narinig kong may nagtext sakin.
From: Jah 🙄
Kathlene Danica Martinez! May sasabihin ako.To: Jah 🙄
Ano naman po yun, Justin de Dios?From: Jah 🙄
'Di muna ako makakapasok for 2 days, alam mo naman, malapit na malaman kung sino yung final 5. Pero ipapasundo at hatid parin kita kay kuya Yani.To: Jah 🙄
'Di ba nakakahiya kay kuya Yani?From: Jah 🙄
Malakas ka sakanya eh hahaha goodnight na, love you Kath.Bigla kong naalala si Jah, habang masaya ako sa gusto ko, paano naman siya?
Bigla akong nalungkot. Totoo nga ang sinasabi nila, lahat ng saya ay mapapalitan ng lungkot. Napakaunfair ng mundo.
Kelangan ko bang pigilan 'tong nararamdaman ko? Para 'di ako makasakit ng tao?
Dalawang araw akong mag-isa, 'di ko nakasama si Jah dahil sa training nila. Wala rin si Paulo, 'di ko rin nakitang pumasok.
Nagtataka parin ako bakit parang kilala nila ang isa't isa, bakit parang nag-uusap sila ng 'di ko alam?
Habang naglalakad ako papunta sa parking lot kung nasaan si kuya Yani, biglang may yumakap sakin.
"Kathhhhhhh!!!"
Nagulat ako nang makita ko si Justin.
"Jah?! Akala ko ba-"
Bigla nyang nilagay ang hintuturo nya sa bunganga ko, "Wag ka nang maingay, libre kita lunch."
Masayang hinila ako ni Justin papasok sa loob ng sasakyan ni kuya Yani. Minsan parang gago din 'tong lalaking 'to, ewan ko kung paano ko naging kaibigan 'to.
Pumunta kami sa pinakamalapit na fast food chain malapit sa school namin, at dahil libre ni Justin, sino ba naman ang hihindi eh libre yun?
Bilib rin ako sa mga tao dito, masyadong ma-issue. Akala nila jowa ko si Jah dahil siya na nag-order, siya nagbayad, siya pa nagdala ng pagkain sa lamesa.
"Uy, ang swerte naman ni girl. Ampogi na nga ng jowa, ang sweet pa."
"Magbrbreak din yan, mostly ng nagbrbreak dito kumakain. Aagawin ko rin yan." Sabi-sabi ng mga tao dito sa likod ko.
Habang kumakain kami, nagulat ako nang makita ang pumasok sa loob ng fast food. Maraming babae ang nagbulung-bulungan, na sinasabing pogi rin daw.
Mag-isa lang ni Paulo pumunta dito sa kainan, 'di niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Akala ko ay kakain lang siya, pero bigla siyang lumapit sa lamesa ko.
"Kath, you free tomorrow?"
Tomorrow is Sunday, sarado ang school. Alam ko na ang sasabihin niya, tatapusin na namin ang kanta. May instrumental nang nakahanda, kailangan nalang namin itantsa ang mga lyrics sa instrumental at ipeperform sa Tuesday.
Tumango-tango ako at yun ang nagsilbing sagot ko sakanya.
"Your place or mine?" Nanlaki ang mga mata ko, pati kay Justin. Ang mga babae sa likod ko ay kanina pa nakikinig sa usapan namin.
"Ha?! Hoy! Virgin pa ako gago."
"Dre, anong gagawin mo kay Kath?"
Natawa si Paulo, "We won't do anything stupid, just our assignment. Kung ano-ano iniisip mo Jah."
Jah? Close sila? Nalilito na talaga ako. 'Di ko nalang pinansin ang mga tanong sa isip ko, "Yours."
"Okay then, i'll get going." And nagbro hug kay Justin. 'Di ko na talaga maintindihan.
"'Di ka kakain?" Nagtataka kong tanong.
"No, i've eaten already. I'll get going now." At umalis na sa kainan. Nagtataka ako, paano niya nalaman kung saan ako ngayon? Umiling iling ako at sinamaan si Justin ng tingin.
"Ano?"
"Ba't 'di mo sinasabing close mo si Paulo? Ba't ka nagtatago sakin?"
"Ha? Kaibigan ko lang yun. Sus, ako nga dapat magseselos, lagi kayo magkasama." Inirapan ko siya at kumain nalang ulit.
Umaga ng Linggo ay sinundo ako ni Paulo sa bahay upang pumunta sa bahay nila Paulo para ayusin ang dapat ayusin sa kanta namin.
Papasok na ang kotse niya sa bahay nila, simple lang ang bahay nila, halatang pang mayaman lalo na't nasa subdivision.
Pumasok kami sa bahay niya at ang ganda ng interior, mapapawow ka. Mayaman nga kasi talaga sila Paulo, no wonder may Genesis Coupe siya.
"Hi hija, your name is?"
"Kathlene po. Kathlene Martinez."
"Oh, you're pretty ah? I'm tita Grace." At nakipagbeso-beso sakin ang mama ni Paulo sakin.
"Nakakagulat lang, it's my first time seeing Paulo na may dinalang babae dito. Are you two-"
"No, ma." Biglang sambit ni Paulo. Nag-init ang mga pisngi ko nang marinig ang sinabi ng mama ni Paulo.
Dinala ako ni Paulo sa kwarto nya na kulang nalang maging Music Room na din, andaming mga equipments para sa paggawa ng music, piano, and mic.
"I'll leave you here for a while, i'll talk to my mom." Tumango tango lang ako.
Tumingin tingin ako sa kwarto niya, napakalaki, napakalinis. Naalala ko tuloy nung binuhat niya ako sa kwarto ko, ang kalat pa man din ng kwarto ko nun.
Napatingin ako sa mga pictures ni Paulo nung bata siya, hanggang ngayon. Ang pogi niya talaga. Napangiti ako nang kinuha ang pinakalatest na picture niya.
Nang ibinaba ko ang picture niya, kukunin ko pa sana yung picture niya nung baby siya pero biglang may tumulak sakin sa pader.
Hinarang ni Paulo ang kanyang kanang kamay sa tapat ng ulo ko, para 'di ako makawala.
"What were you doing there?"
Hindi ako makapagsalita, 'di ko alam ang gagawin ko. Nagulat lang din ako sa ginawa niya.
Lalo niyang nilapit ang kanyang mukha sakin, ramdam ko ang mainit nyang hininga at tila bang hahalikan niya ako.
Little by little Paulo tilted his face and went nearer.
BINABASA MO ANG
Ang Awitin (SB19 Sejun)
أدب الهواةMas pipiliin kong masaktan kaysa hindi nya makamit ang kanyang pangarap.