[6]

265 15 2
                                    

Napa-ayos ng tayo si Paulo ng biglang kumatok si tita Grace sa pintuan.

"Oh, sorry for disturbing. Meryenda muna kayo." Gulat na sabi ni tita Grace at inilapag ang pagkain sa lamesa.

Napaubo si Paulo nang umalis na ang kanyang ina.

Tahimik kaming kumakain nang biglang magsalita si Paulo, "i'm sorry about what happened earlier."

Gusto ko maglakas loob, kelangan ko siyang tanungin. Ayoko mag-assume ng mga bagay bagay dahil alam kong ikasasakit ko rin sa huli.

"Gusto mo ba ako?"

Tinignan ako ni Paulo at ibinalik ang mata sa pagkain, akala ko'y 'di niya ako sasagutin. "Paano kung oo?"

"Ha?" Gulat na tanong ko. Gusto nanaman lumabas ng puso ko.

"Wala, eat."

Pagkatapos namin kumain ay ginawa na namin ang dapat naming gawin, ipractice yung tono ng kanta kasama ang instrumental.

Sa Martes pa naman 'to iperperform, kaya nga lang busy daw si Paulo bukas.

Nagtataka rin ako dahil wala rin si Justin bukas, parang nagkakasama sila.

"Paulo."

"Hmm?"

"Kaano-ano mo si Jah?"

"Friend."

Weh? Eh nagtatampo nga si Jah kapag kasama ko si Paulo eh. Nalilito rin ako sa mga 'to.

Nakita ko si Paulo na naghahalungkat ng mga instrumentals sa malaking computer niya.

"Wow, andami ah."

"Yeah."

"Kung magprproduce ka man ng music, anong gusto mong pangalan mo?"

"Seizemic."

"Eh? Bakit Seizemic?"

"It's supposed to be seismic, vibration ng Earth or something big and important. Ginawa kong Seize Mic parang whenever i hold a mic and started singing or rapping, i become something big and create an impact."

After namin matapos sa kanta at nagpractice, nagpaalam na kami sa mama ni Paulo.

"Balik ka dito Kath ha?"

"Ah, opo tita. Salamat po."

"Let's go." Ani Paulo.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ay 'di ko mapigilan isipin ang ginawa niya sakin kanina sa loob ng kwarto niya.

Binabalak niya bang halikan ako? O pagtripan lang ako?

Habang nasa biyahe kami ay biglang nagtext si mama sakin.

From: Mama <3
Anak, patuluyin mo muna si Paulo dito sa bahay at dito na kayo mag-early dinner.

What the fuck? Seryoso ba 'tong si mama?

"P-paulo..."

"Magdinner ka na raw samin."

"Sino nagsabi?"

"Si mama."

"Okay, then."

Pagkapark ng sasakyan niya sa gilid ay agad kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Hi, Paulo. It's been a while." At sabay na bineso si Paulo.

"Yes po tita, it's been a while po." Nakangiting sabi ni Paulo.

"Let's eat dinner na." At agad kaming sumunod kay mama papuntang kusina.

'Di lang nila alam kung gaano ako nahihiya ngayon na pinatuloy ni mama si Paulo sa bahay, eh wala pa namang kami. Akala ba niya meron na akong boyfriend?

Ang Awitin (SB19 Sejun) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon