[4]

282 17 5
                                    

Sa sobrang awkward ay nagbook nalang ako ng Grab since 'di pa naman nagdidilim, and wala kaming nasimulan ni Paulo.

Habang nakasakay sa taxi, naglalaro sa utak ko yung sinabi ni Paulo.

Kath, you're confusing me.

'Di ko rin siya maintindihan, wala naman akong ginagawa sakanya. Ayoko rin naman aminin na na-aawkwardan ako dahil sa nangyari.

Kinuha ko ang cellphone ko nang marining na tumunog yun.

From: Paulo
I'm sorry if na-confuse ka rin sakin earlier, i shouldn't have done that. Goodnight, Kath.

'Di ko talaga alam kung anong sasabihin ko sakanya. Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko, tangina mo Paulo.

To: Paulo
Sorry din kung napawalk-out ako kanina, nabigla lang din sa ginawa mo.

From: Paulo
Music Thursdays natin tomorrow, be there, i'm going to perform.

(By the way, since 'di nagkatugma yung mga araw sa stories ko. Dapat Music Wednesdays talaga 'to. May program talaga na ganito sa Benilde, you can sing and bring your own instruments and magpeperform ka sa harapan. Keep in mind nalang, thank you.)

To: Paulo
Okay sige. I hope 'di na tayo awkward nun :)

From: Paulo
You feel awkward towards me?

Shet. Ang tanga ko. 'Di ko man lang dinouble check yung text ko bago ko sinend.

To: Paulo
No. Feeling ko lang naman.

From: Paulo
Don't worry, i don't feel any awkwardness kapag kasama kita.

Putangina. Pafall ba 'tong hayop na 'to or normal lang talaga yan kahit sa mga iba niyang kasama?

Ayoko mag-assume na may special treatment ako coming from him, even dun sa sasakyan niya.

Today is Music Thursdays, magpapasama sana ako kay Justin ngayon kaso family bonding nila ngayon. Since, for sure magiging busy na si Justin sa training.

A lot of students were waiting for someone to start the Music Thursdays.

Nagulat ako nang umakyat sa mini stage si Paulo bitbit ang gitara nya. Ang mga babae ay nagtitilian dahil nasa harapan si Paulo, lapitin ba naman kasi ng mga girls.

"It's my first time singing here on Music Thursdays, so i hope you like it."

Tinotono niya ang kanyang gitara at inayos ang mic sa tapat niya.

Hawakan mo ang kamay ko
At dadalhin kita sa'n mo man gusto
Akong magsisilbing gabay mo
Ipikit mo ang 'yong mga mata, at lilipad tayong dalawa.

Bago niya kinanta ang susunod na lyrics, tumingin siya sakin at tinitigan ako habang kumakanta.

Takasan na natin ang mundo
Wala ng iba, ikaw at ako
Handa 'kong ibigay ng buo
Ang puso ko'y sayo lang talaga
Kaya humawak ka.

Habang kinakanta niya ang mga yun, bawat salita ay parang lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Buong kanta, nakatingin sakin si Paulo. Pagkatapos niyang kumanta, dumeretso siya sa lamesa ko kaya ang mga tao ay tumitili at tila ba'y parang nagsasabi ng "Sana all."

"Did you like it?"

"Ha? Ah oo. Galing mo."

"Do you still have classes?"

"Free-cut namin, bakit?"

"Come with me, may pupuntahan tayo." Hinila niya ako palabas at iniwan ang mga babaeng kanina pa nagtitilian.

Habang nasa sasakyan, 'di ko alam kung sa'n kami pupunta at nahihiya naman akong magtanong kung saan.

Nang magpark si Paulo ng sasakyan, i was speechless. The view was very relaxing.

Nasa isang mataas na lugar kami, mataas ang mga damo, at pwedeng magcamping kapag gusto mo. Nakikita mo rin ang mga buildings sa baba sa sobrang taas netong lugar na pinuntahan namin.

"I hope you don't feel awkward anymore?"

"No. Ang ganda dito!"

"That's why i bought you here."

Napaupo kami sa mga damo at tumingin sa langit na may mga bituin.

"Siguro lagi mong dinadala mga babae mo dito 'no?"

"No, i always go here by myself. You're the first one."

Nang sinabi niya yun, napahawak ako ng patago sa puso ko na para bang nagulat sa sinabi niya. Gusto kong kiligin dito, pero nakakahiya.

All i know is that, 'di mahirap mahalin si Paulo. Kita ko sakanya yun, kahit medyo cold pero maalaga naman siya.

Ako nga na nakilala niya 2 weeks ago inaalagaan na niya kahit 'di pa kami masyadong magkakilala, paano pa kaya yung magiging jowa niya.

"Ba't mo pala ako dinala dito?"

"So that you won't feel awkward anymore. This will make our bonding stronger."

"May tanong ako, anong gusto mong gawin after graduation?" Nagtataka kong tanong

"Me? I really want to sing in front of many people, or produce my own songs. It's really my passion. How about you?"

"Ako rin, gusto ko rin kumanta sa harap ng mga tao. Pero gusto ko rin tumulong sa hospital nila papa."

"No wonder why you're rich."

At mahina kaming tumawa dahil sa sinabi niya. Inaamin ko rin namang may kaya kami, dahil sa hospital nila papa dito. Only child lang naman ako, kaya ako iniispoil.

Nagulat ako nang may dumaan na shooting star!

"Uy, Paulo, wish ka!"

Pinikit ko ang mga mata ko at winish ko sana maging successful ako balang araw.

After ko magwish, "Anong winish mo?"

"My dream."

"Ano bang pangarap mo?"

"You." Pabulong niyang sabi.

Ang Awitin (SB19 Sejun) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon