[14]

233 12 1
                                    

"Welcome, SB19!"

"Get in the zone, Break! Hi, we are SB19."

"Hi, i'm the main dancer of SB19, my name is Ken."

"Hello po, i am the youngest member of SB19, my name is Justin."

"Magandang gabi po sainyong lahat, ako po ang heavenly voice ng grupo, i'm Stell. Hello po!"

"I'm the most charismatic member of SB19, i'm Josh."

"Hello, i'm the leader of SB19, my name is Sejun."

"Hello, boys. So, anong feeling ng umaangat na sa industriyang ito?"

"Ah, sa totoo lang po, sobrang na-ooverwhelm po kami sa mga nangyayari. 'Di po namin inaasahan na dadating yung araw na, mamahalin kami ng maraming tao."

Sa buong interview, hinayaan kong ilabas ng mga members ang kani-kanilang mga opinions and answers regarding the questions that the interviewer is asking.

"So, why did you chose Tilaluha as your debut song?"

"Si Sejun po makakapagsagot niyan."

"Sejun?"

"Sa totoo po nyan, i wrote the song when i was in college, may kasama po ako nun. That person was very special to me, up until now. Project po kasi namin before is to create a heart breaking song tapos ipeperform po sa harapan."

"Ah, so you're creating songs ever since?"

"Opo. Napag-isipan ko pong gawing debut song namin ang Tilaluha dahil andami ko pong naaalala sa kantang yan. Kaya yan po ang iprenesent ko sa CEO and sa members po."

"So this song, is this coming from your experience? Since sabi mo andami mong naaalala sa kantang 'to?"

Lumingon muna ako sa manager namin kung pwede magsalita tungkol dito, pero tumango lang siya.

Sasabihin ko ba? 'Di ko naman kayang magsinungaling sa interview lalo na't nanonood ang fans namin.

"Nako, Sejun daw oh experience." Loko lokong sabi ni Justin.

"When we wrote the song po kasi, wala pa talaga po akong experience nun. Normal lang po na pamumuhay, kumbaga. Pero after we made the song, para bang narereflect ko po yung nangyayari saamin dun sa song. So yun po."

Puta, ang awkward. 'Di ko alam kung ba't ko sinabi yun pero, bahala na.

"Okay, next question. Do you have girlfriends? Are you in a relationship? Or do you have past relationships?"

Bago kami magsalita, nagsalita pa ulit ang interviewer, "Disclaimer fans, this is just for fun. Walang masasaktan ha? Hahaha."

"Sejun daw, past relationships." Sambit nanaman ni Justin.

Sa totoo lang, 'di naman dapat ako magsasalita. Madaldal lang 'tong hinayupak na 'to.

"I haven't been into any relationships po. Muntikan lang, walang label."

There was an awkward silence. Sobrang nahihiya na ako sa mga sinasabi ko. Para bang hinohot seat ako ng mga tao dito ngayon.

"Actually, A'TIN po ang mga girlfriends namin. So lahat po kami taken. Hehe." Pagsasalba ni Stell.

Salamat talaga, Stell.

Pagkatapos ng interview ay agad kaming umuwi sa condo para kumain at magpahinga.

Sa totoo lang, balak ko talagang kausapin si Justin tungkol sa kanina. Pero sobrang pagod na 'ko.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko. May nagchat sa messenger.

From: Kathlene Danica
Interesting interview.

To: Kathlene Danica
Why? Do you feel guilty?

From: Kathlene Danica
'Di ah. Gusto ko lang pag-usapan hehe.

To: Kathlene Danica
I'm kinda tired, pag-usapan nalang natin bukas. Let's meet. Will send you the meet-up place.

From: Kathlene Danica
Okay. Rest well.

Sineen ko nalang yung message ni Kath at natulog nalang.

Pagkagising ko ay agad akong naligo, at nagbihis ng checkered long sleeve na polo at nag fitted na track pants ako.

Pagkababa ko ay agad akong kumain ng agahan.

"Oh? Nakabihis ka ata ngayon Sejun? Rest day ngayon ah?" Tanong ni Justin.

"Magkikita kami ng bestfriend mo."

"Ah." Habang kumuha sya ng plato.

"HA!? Ba't 'di ako aware? Nako nako Sejun, baka masaktan ka lang ha."

Muntikan pa 'ko mabulunan sa sigaw ni Justin. Ba't parang gulat na gulat naman ata si Justin sa sinabi ko?

"Eh di, masaktan. Ganun talaga. Sige, alis na 'ko."

Pagkarating ko sa meet-up place namin ni Kath, ay nakita ko syang nakaupo sa labas ng kainan. Maganda kasi ang view tsaka mahangin at walang tao. Tamang tama.

"Kumain ka na ba, Paulo?"

"Ah, oo."

"Inorderan kita ng kape tsaka tinapay. Okay na ba yun sa'yo?"

"Oo hahaha. Nakakain na 'ko."

There was an awkward silence. Hangin lang ang maririnig mo dito. Tahimik na nakatingin si Kath sa napakagandang tanawin.

Pero sakin? Siya ang napakagandang tanawin ko.


I prefer her, as my view.

Nawala nalang ang katahimikan nang nilapag ng waitress ang pagkain tsaka umalis.

"So, ano pag-uusapan natin?"

"Ba't mo yun kinwento sa national tv?"

"Ha?"

"Hatdog ka din, Paulo. Answer my question."

"Bakit? Aren't you comfortable with it?"

"Weird lang. I mean, you could've just said no."

"Alam mong ayoko magsinungaling, Kath."

"Pati yung sa song, you could've just said that you wrote that by yourself."

"I hate it when people don't give proper credits. Ayoko din gawin yun."

Nakatitig lang si Kath sakin habang umiinom ng iced coffee.

"I get your point, you're uncomfortable with it. Get straight to the point, Kath." And i took a bite of my bread.

"Hindi naman sa ganun. Pero, past na yun eh. Ayaw naman na natin ibalik."

"H-hindi ba?" Nauutal na tanong ni Kath

"Ikaw, matanong nga kita." Before i sat up straight.

This question has been bugging me, ever since she said that. Gusto kong sagutin niya 'to ng maayos.




"Why did you stay?"

"A-ahhh."

I waited for her to answer my question.

"Gusto ko kasi mabantayan kung paano ka umangat. K-kaya ganun."

What's her point? Dahil ba mahal niya parin ako?

"Because you still love me?"
















"No, i don't."

Ang Awitin (SB19 Sejun) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon